Chapter 06

48K 2.4K 1.2K
                                    

PAHINAMAD pa nang bumangon si Zafrina at lumapit sa bintana ng hotel suite na siyang tinutuluyan nila nina Zabrielle at Rain sa Alager Hotel Beach and Resort sa Pagbilao City. Hinawi niya ang kurtina sa may bintana at pinagmasdan ang asul na karagatan.

Wala sa hinagap niya na doon sila pupunta ni Zabrielle.

Matapos ng halos dalawang linggo na pananatili sa Sagada at pag-aalaga sa kanyang abuela ay nag-suggest pa ng kanyang abuela na ipasyal muna nila ni Zabrielle si Rain. Simula kasi nang dumating sila ay walang araw na hindi niya inasikaso si Lola Leore kahit kaya pa nitong kumilos. Gusto lang niyang alagaan ito. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal at kahalaga sa kanya.

Ganoon din ang suhistiyon ng kanyang Tita Lily, ipasyal muna si Rain para maging pamilyar sa mga lugar sa Mountain Province o sa karatig probinsiya. At si Zabrielle, ito ang nagdesisyon kung saan sila pupunta. Ito na raw ang bahala kaya naman hinayaan niya ito.

Agad silang pumunta sa Baguio. Akala niya ay doon na sila mag-stay pero natulog lang sila ng dalawang gabi sa Baguio at namasyal. Next destination nila ay ang gumulantang sa kanya. Lingid sa kanyang kaalaman ang pag-arkila ni Zabrielle ng Van na siyang gagamitin nila sa pagbiyahe. Maging ang driver ng naturang sasakyan ay hindi ipinaalam kung saan sila pupunta nang magtanong siya.

Surprise ang palaging sinasabi ni Zabrielle sa kanya.

Saka lang siya unti-unting nagkaroon ng idea nang pasukin nila ang probinsiya ng Quezon sa Southern Luzon.

"Zab, don't tell me sa—"

"Pagbilao City," ngiting-ngiti pa nitong amin nang magkaroon siya ng idea. "Remember, three years ago? Nangako ka sa akin na iti-treat mo ako sa lugar na gusto kong puntahan. At gusto kong i-claim 'yon ngayon. At sana tuparin mo 'yon ngayon, Ate Zaf. Ang tagal ko itong hinintay na mangyari..."

Kung maaari lang bumali ng pangako ay nagawa na niya. Pero ang makitang kaligayahan sa kanyang pinsan na si Zabrielle, na malaki rin ang naitulong sa kanya, hindi siya makahindi.

Walang ideya si Zabrielle sa pinagdaanan niya noon sa lugar na iyon.

Napabuntong siya. Pangalawang araw na nila sa Alager ngunit hayon pa rin siya at nananatili sa hotel suite. Ang dahilan niya kahapon kay Zabrielle ay nahihilo pa siya dahil sa haba ng biyahe nila. At ngayong araw, nagdahilan siya na sa hapon na lang bababa ng hotel para hindi ito mangulit sa kanya na mamasyal sila palibot ng Alager. Alam naman niyang hindi nito pababayaan si Rain.

Bakit ganoon? Akala niya ay handang-handa na siyang harapin ang mga nangyari noon sa lugar na iyon? Pero ngayong naroon na siya, hindi naman niya magawang lumabas ng suite. Bigla ay parang pinanghinaan siya.

Ang lugar na iyon. Doon sila unang nagkatagpong muli ni Sovereign. Doon muli nagsimula ang lahat. Lingid kay Zabrielle, dalawang gabi na niyang iniiyakan ang mga alaalang biglang nagsiksikan sa isipan niya. Iyong unang gabi na dumating sila roon at kagabi.

Napakalapit lang ni Sovereign. Malungkot siyang napangiti habang nakatingin sa kawalan.

"Sovereign..."



MATAPOS maghapunan ay nakatulog din agad si Rain. Hinahaplos-haplos niya ang buhok ng anak nang pumasok sa silid nila si Zabrielle.

"Ate Zaf, bakit hindi ka muna bumaba? Mas maganda sa tabing dagat." Naupo ito sa may tapat niya. "Pakiramdam ko tuloy ay napipilitan ka lang na samahan ako rito. Para kasing hindi ka masaya na narito tayo sa lugar na gustong-gusto kong puntahan. Ni hindi ka lumalabas sa suite na ito."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon