Chapter 15

37.1K 2K 541
                                    

KINUHA ni Sovereign ang kanyang cellphone, nang mag-ingay iyon, sa ibabaw ng kama. Tumatawag ang kanyang ama.

"Dad," bungad agad niya nang sagutin ang naturang tawag.

"Let's talk."

Kumunot ang noo niya. "Tungkol po saan? May problema ba sa kompanya?"

"Hindi related sa business natin, hijo. Kailangan nating mag-usap. Importante."

Napasulyap siya sa pinto ng banyo na nakasara. Naliligo nang mga sandaling iyon si Zafrina at hindi naman niya ito puwedeng iwan doon na mag-isa lang.

"Dad, let's talk over the phone."

"Hijo, mag-usap tayo sa personal," sa halip ay giit ng Don.

"Hindi ako makakaalis ngayon, dad." Hindi rin nito alam na naroon siya ngayon sa Phase III dahil binilinan niya ang kawaksi na huwag ipapalaam sa daddy niya na naroon sila ni Zafrina sa kanilang bahay.

Bumuntong-hininga ito sa kabilang linya. "Okay. Ako na ang pupunta diyan. Nasa Alager ka ba ngayon?"

"Wala po. Kaya dito na tayo sa cellphone mag-usap." Ramdam niya sa boses ng kaniyang ama na napakaimportante ng sasabihin nito.

"May," tumikhim ito. Clearing his throat. "May nakumpirma lang akong isang napakaimportanteng bagay. Natatandaan mo ba noong puntahan kita sa pent house mo, pagkauwi namin galing sa Baguio?"

Tumango siya kahit hindi naman nito kita. "Opo"

"I know this is shocking to your part, pero 'wag kang mabibigla, hijo. Nakumpirma ko na may anak ka na. At ang bata na nakita ko sa Baguio ay siyang anak mo."

Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ng kanyang ama. "What do you mean?"

"The moment na makita ko ang batang kamukhang-kamuka mo sa Baguio, noong maliit ka pa, hindi na ako pinatahimik ng bata na 'yon. Kaya nagdesisyon ako na mag-hire ng private detective. At hindi nga ako nagkamali. May anak ka na, Sovereign. Nagulat ka ba? All this time, may apo na pala talaga ako."

Si Rain ba ang tinutukoy ng kanyang ama? "Ano'ng pangalan, dad?"

"Rain. At dala-dala niya ang apelyido natin."

Napalunok siya. Bigla ay bumalik sa alaala niya iyong eksena sa pent house kung saan pinuntahan pa rin siya ng kanyang ama kahit na bakas dito ang pagod mula sa biyahe para lang magtanong tungkol sa anak nila ni Zafrina dahil pinalabas nila noon na buntis na si Zafrina. Ibig sabihin ay nakita na rin pala nito si Rain? Napangiti siya kapagkuwan.

"Dad, ano pang nalaman mo?"

"Anak niyo ni Zafrina si Rain. Hijo, do something. Gusto kong makita ang apo ko. Kung babalikan mo si Zafrina, mas mainam. Sabi ng detective na kinuha ko ay single pa rin daw si Zafrina hanggang ngayon. Parehas naman kayong single. It's about time na mabuo uli kayo."

"Kung ayaw na niya akong balikan, dad?" sa halip ay tanong niya.

Hindi agad nakapagsalita si Don Antonio. Tumikhim ito. "Well, wala na akong magagawa pa sa bagay na 'yon. Pero si Rain, dala niya ang apelyido natin na Millares, gusto kong ibigay sa kanya ang dapat sa kanya."

"Gusto mo ba na kunin natin siya kay Zafrina?"

"Hindi sa ganoon," mabilis na wika nito. "Gusto ko lang ibigay sa apo ko ang mga bagay na para sa kanya bilang isang Millares."

Napangiti siyang lalo. "Dad, nasaan daw ngayon sina Zafrina?"

"Sa ngayon ay iyon ang inaalam ng private detective, gusto ko ring makausap si Zafrina."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon