Chapter 16

43.3K 2.2K 764
                                    

HAPPY 950K READS, TBS 1 ^^


_________________________________


KANINA PA walang pagsidlan ang saya sa puso ni Zafrina. Nasa Chelary Mall sila ni Sovereign, sa may Lucena City, karatig bayan ng Pagbilao City. Kalapit lang din ng dagat ang naturang Mall sa may Dalahican. Napakalawak din niyon. Doon sila dumiretso sa halip na sa Monterey Mall, para naman daw maiba.

Wala yatang sandali na hindi umalis sa tabi niya si Sovereign. Tipong ayaw nito na malalayo siya rito kahit na saglit lang.

Dahil isang UHB Men si Sovereign kaya naman hindi na kataka-taka kung maya't maya kung may tumawag sa pansin nito at palagi itong habol ng tingin. Ang iba ay animo gustong magpa-picture pero hindi makalapit. Kung sa pagiging sikat, dinaig pa talaga ng mga UHB Men ang isang artista sa lugar na iyon. Right, kahit saang lupalop ng Pilipinas na abot ng social media. Ngunit patay malisya lang si Sovereign sa paligid, parang siya lang ang tao sa paligid nito kung tutuusin.

Matapos bumili ng hair blower sa Department Store ay nag-aya naman si Sovereign sa sinehan.

"Bakit hindi ka na lang manood ng movie sa Netflix?" aniya rito habang nakasakay sila sa escalator.

"Nakalimutan mo yata? Magdi-date tayo ngayon. At kasama sa date ang panonood ng movie sa sinehan," ani Sovereign nang balingan siya.

Pinigil ni Zafrina ang ngiti na gustong kumuwala sa kanyang labi. "You're too old for dating, Sovereign."

"Tsss. Hindi halata 'yong edad ko sa hitsura ko," anito na hinimas pa ang baba habang nangingiti. "At walang pinipiling edad ang pakikipag-date."

Tama ito. Thirty-two na si Sovereign pero hindi halata.

Nang makarating sa third floor ng Mall ay hinayon naman nila ang sinehan. Hawak pa ni Sovereign ang kamay niya. Sa pagbili ng movie ticket at sa pagkain na dadalhin nila sa loob ng sinehan, hindi nito binibitiwan kahit saglit ang kaniyang kamay.

Ito yata ang unang pagkakataon na makikipag-date siya. Sa isip ay tinawanan din niya ang sarili. Si Rain lang ang nakakasama niyang lumabas noong nasa Italy sila.

Sa bandang itaas ang upuan na kinuha ni Sovereign dahil anito ay mas maganda ang view roon. Nang makaupo ay sinulyapan pa niya si Sovereign.

"Hindi naman ako mahilig sa action movie. Hintayin na lang kaya kita sa labas?" kunway sabi pa niya sa binata.

Binalingan siya nito. "Wala namang ibang magandang showing ngayon. Mas lalong hindi ka naman siguro manonood ng pambatang movie?"

"Mas gusto ko 'yon."

Napangiti ito. "Don't worry, after this movie, 'yon naman ang panonoorin natin."

Seryoso ba ito? "Okay," sa halip ay sakay niya sa sinabi nito. Ibinaling na niya ang tingin sa big screen nang mag-umpisa na ang napiling movie ni Sovereign. Muli lang siyang napatingin kay Sovereign nang hawakan nito ang isa niyang kamay. Itinaas niya nang bahagya ang kamay niya na hawak nito. "Mukha ba akong aalis dito sa tabi mo?"

"Nagdi-date tayo, natural lang naman na magka-holding hands."

"Hindi naman kita boyfriend para makipag-holding hands ako sa iyo, Sovereign."

"Right," anito nang balingan siya. "Hindi mo naman talaga ako boyfriend at hinding-hindi mo magiging boyfriend. Magiging asawa mo ako," anito na kinindatan pa siya.

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon