Chapter 17

36.7K 1.6K 283
                                    

"I'M SORRY. I can't drive," ani Sovereign na sandaling pumikit.

Humalukipkip si Zafrina at muling isinandal ang likuran sa may back rest nG kaniyang kinauupuan. "'Yan na nga ba ang sinasabi sa hula, eh."

"Mag-check-in na lang muna tayo sa Chelary," anito na hinilot-hilot ang pagitan ng nose bridge.

"Ewan ko ba naman kasi sa iyo, Sovereign. Ikaw halos ang umubos ng isang tower ng beer na in-order mo. Tapos ngayon, mahilo-hilo ka."

"Hindi mo kasi ako tinulungan. Isang baso na nga lang sa iyo, hindi mo pa maubos."

"Hindi naman ako mahilig mag-inom."

Bukod kasi sa dinayo nilang sizzling corn sa bar ay um-order pa talaga ng beer si Sovereign. Akala niya ay nasa bote lang pero one tower talaga ang in-order nito.

"Ako na ang magda-drive," suhistiyon niya. Kahit paano naman ay marunong din siyang humawak ng manibela.

Bahagyang umiling si Sovereign. "No. Mag-check-in na lang tayo," anito na nagmulat na ng mga mata at sinikap makapag-drive hanggang sa Chelary-FMN Tower.

Nakaalalay naman siya sa paglalakad ni Sovereign nang makababa sila sa kotse nito. Hindi naman ito groggy kung maglakad pero hinayaan lang niya ang sarili na alalayan ito. Hindi naman ito lasing katulad ng sinsabi nito. Nahihilo lang talaga ito.

Nang makapag-check-in at makakuha ng suite ay iyon naman ang sunod nilang hinayon.

"Alak pa?" untag niya sa pananahimik ni Sovereign habang sakay sila sa elevator.

Nangingiting binalingan siya nito. "Pansin ko. Kanina ka pa malakas mang-asar."

"Hindi, ah. Anyways, what more kung hard drinks ang ininom mo? Siguro at this very moment, may isang UHB Men na gumagapang na sa semento. Head lines ka na siguro bukas."

"That won't happen," anito na mas hinapit pa siya palapit dito habang nakaakbay ito sa balikat ni Zafrina. "Alam mo ba kung bakit mabilis akong mahilo ngayon unlike before?" he even asked after a while.

Umiling siya. "Hindi."

"Dahil matagal akong hindi na expose sa alak. Iba pala kapag nagtakaw masyado," natawa pa ito sa sinabi nito.

"Ngayon alam mo na. Kaya dapat araw-araw mag-practice ka ng uminom uli. Baka hindi ka makasabay sa mga kaibigan mo."

"Hindi na. Baka imbis na humaba pa ang buhay ko ay mas mabawasan pa ang ilalagi ko sa mundo. Ikaw na lang siguro 'yong aaraw-arawin ko. Much better. Aray!" napakislot pang daing ni Sovereign nang makatikim ito ng pagsiko sa tagiliran mula kay Zafrina. "Grabe ang siko mo. Muntik ng mabutas 'yong tagiliran ko. You should eat a lot. Para magkalaman 'yan."

"Ang OA. Natural lang naman sa siko na mabuto." Hindi tuloy mapigilan ni Zafrina ang mahimas ang kaniyang siko na pinangsiko kay Sovereign. Kahit kailan naman ay hindi siya tumataba. Nadagdagan lang ang timbang niya noong magbuntis siya kay Rain.

"Magkasama na naman tayo, kaya patatabain kita."

"Kahit ano'ng ipakain mo sa akin, hindi pa rin ako tataba."

"Tss. You'll gain more weight if I make you pregnant."

"Asa ka," pairap niyang wika rito. Nang bumukas ang elevator sa eight floor ng Chelary-FMN Tower ay nagpatiuna na siya sa paglabas.

"Umaasa talaga ako," walang gatol na wika ni Sovereign na sumunod na sa kaniya. "Malakas kaya ako kay Lord."

"Akala mo lang 'yon."

Nang marating ang suite na uukupahin nila ay hinintay pa niya si Sovereign na makalapit sa kaniya. Masyadong high technology rin ang lugar na iyon. Para mabuksan kasi ang hotel suite na uukupahin nila ay kailangan pa ng mismong finger print ni Sovereign na naka-set na sa lock ng suite na iyon.

"Hindi mo talaga ako hinintay. Napaka-sweet mo talaga," anito bago inilapat ang finger print sa pinaka-lock ng pinto.

"Hinanap ko lang kung nasaan ang suite na kinuha mo."

"Hindi ko bibilhin 'yang palusot mo," anito na binuksan na ang pinto at pinauna siyang pumasok sa loob.

Unlike sa ibang mga hotel suites, pagpasok mo sa pinto ay mayroong pasilyo kung saan mararaanan mo rin ang pinto ng banyo at kaunting lakad pa ay ang pinaka kinaroroonan ng kama. Ang munting sala set ay nasa tabi ng glass wall. Hindi na sila kumuha ng mas malaki pang suite dahil magpapalipas lang naman sila ng isang gabi sa lugar na iyon.

Si Sovereign ay sa banyo agad dumiretso. Siya naman ay hinayon ang glass wall at bahagya pang iwinahi ang kurtina. Nakapaharap pala sa may dagat ang ukupado nilang silid. Tumingala siya sa mabituin na kalangitan. Napabuntong-hininga na naman siya nang maalala si Rain. Kaunting araw na lang at mayayakap na rin uli niya ang anak nila ni Sovereign.

"Iniisip mo si Rain?"

Bahagya niyang binalingan si Sovereign na tumayo sa tabi niya. "Wala namang oras na hindi ko naiisip si Rain," aniya na muling tumingala sa kalangitan.

"How to be, Rain?" anito na ibinaling din ang tingin sa langit. "Para wala ring oras na hindi mo ako maisip."

Pinigilan ni Zafrina ang mapangiti sa sinabi ni Sovereign. "First, 'wag kang magpapakita sa akin ng matagal," pagpatol niya sa sinabi nito.

Bumaling ito sa kaniya. "Kahit hindi na pala. Okay na ako na maging si Sovereign. At least, narito ka sa tabi ko ngayon."

"Hanggang kailan sa tingin mo?"

Tuluyang pumihit paharap sa kaniya si Sovereign. "Hanggang sa huling hininga ko rito sa mundo," seryoso nitong sabi.

"Epekto ba 'yan ng one tower na nainom mo?" aniya na kunway idinaan sa tawa ang kilig na nararamdaman.

"Kapag nagseseryoso ako, parang palagi kang tamang duda sa mga sinasabi ko. Tell me, mukha ba akong nagbibiro?"

Pinigil na ni Zafrina ang mapangiti at nagseryoso na rin nang balingan si Sovereign. "May sinabi ba ako na nagbibiro ka?"

"'Yon ang ipinararamdam mo sa akin."

Pumihit din siya paharap dito para mas matitigan itong mabuti habang bahagya niya itong tinitingala dahil sa katangkaran nito. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya na maiparamdam 'yong ganoon sa iyo."

"Genuine ba 'yang sorry mo?" he even asked. Tumango si Zafrina. "Kiss me if you feel sorry."

Iyong tipong hindi niya nagawang kumurap man lang sa sinabi ni Sovereign. Nang makahuma ay nginitian niya ito ng matamis. "Totoo 'yong sorry ko. Pero hindi ko susundin 'yong sinabi mo. Masyado ka ng sinusuwerte, Mister," aniya bago ito iniwanan at hinayon ang banyo para magbawas ng panubigan at mag-toothbrush na rin. Nang matapos ay lumabas na rin siya sa banyo at hinayon na ang kama. Gusto na rin niyang ilapat ang likod sa malambot na kama.

"Napakahirap mo talagang hiritan ngayon," naiiling pang wika ni Sovereign na nakahiga na sa kabilang side ng kama. Pumikit ito habang ang isang braso ay nakapatong sa may noo nito.

Binalingan ni Zafrina ang nakapikit na si Sovereign. Mukhang hindi na ito mangungulit sa kaniya. Bahagya siyang naupo at inilapit ang sarili rito. Pagkuwan ay mabilis itong hinalikan sa labi. Bago pa ito makamulat ay mabilis na rin siyang lumayo rito at bumalik sa pagkakahiga. Tumagilid pa siya patalikod dito at nagtaklob ng kumot hanggang sa may ulo niya.

"Good night," sabi pa niya na nakagat ang ibabang-labi habang may ngiti pa ring mababakas doon.

Nangingiti naman si Sovereign nang muling ipikit ang mga mata. "At the end of the day, hindi mo pa rin ako kayang tiisin," he even teased.

"Happy now, Mister?"

"Yes, Misis. Makakatulog na ako ng mahimbing," anito na tumagilid ng higa paharap sa kaniya at niyakap siya mula sa likuran. "Good night."



The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon