Chapter 26

38.8K 1.3K 565
                                    

KINABUKASAN ay maaga pa ring nagising sina Zafrina at Sovereign. Salamat sa alarm clock. Dahil kung hindi naisipang mag-set ng alarm ni Sovereign kagabi ay tiyak na parehas silang tatanghaliin ng gising nang umagang iyon.

Naunang naligo si Sovereign, sumunod si Zafrina dahil siya pa ang naghanda ng kanilang isusuot para sa pagha-hiking nilang iyon. Habang naliligo naman siya ay si Sovereign naman ang naghanda sa isang bag ng babaunin nilang gamit sa pagha-hiking. Extra clothes na naihanda na niya. Nagdala rin ito ng mineral water, gloves. Hiking caps. Trail foods. Medical kits at kung ano-ano pa na kailangan nila.

"Sa labas na lang tayo mag-breakfast," ani Sovereign kay Zafrina matapos niyang maligo.

Tinutuyo pa niya ang mahaba niyang buhok gamit ang kaniyang puting tuwalya. Tumango siya bilang pagsang-ayon dito. "Okay. Nakahanda na ba 'yong mga dadalhin natin para sa hiking?"

"Yes. Nasa kotse na."

Matapos magsuklay ng buhok ay hindi na niya iyon bl-in-ower pa. Matutuyo rin naman iyon tiyak mamaya. Tatagal silang lalo kung papatuyuin pa niya ang buhok niya gamit ang blower. Sayang sa oras.

Nag-aya na rin siya kay Sovereign matapos niyang kunin ang pampuyod niya sa kaniyang buhok. Itatali niya iyon mamaya kapag tuyo na.

"Let's go. At baka tanghaliin tayo," aniya rito na hinila na ito sa braso nito palabas sa master bedroom.

Maganda ang kalangitan nang umagang iyon. Maaliwalas. Bago pa lang din lilitaw ang araw sa Silangan. Napangiti siya. Bukas ay magkikita na sila ni Rain. Miss na niya ang anak niya at masaya siya na maihaharap na niya rito ang totoo nitong ama.

"Saan ba tayo magha-hiking? Sa Mount Banahaw?" tanong ni Zafrina habang nag-aalmusal sila sa naraanang restaurant na maagang nagbubukas.

Umiling si Sovereign. "Masyadong malayo ang Mount Banahaw, doon lang tayo sa malapit."

"Saan nga?"

Napangiti si Sovereign nang pagmasdan siya. "Hon, kahit sabihin ko sa iyo. Alam kong hindi mo rin alam 'yon. Puntahan na lang natin mamaya after nating kumain nitong almusal," sa halip ay wika nito.

"Fine," sa halip ay sagot niya bago muling nagpatuloy sa kaniyang pagkain.

Matapos nilang mag-almusal ay nagpatuloy ang biyahe nila ni Sovereign. Papuntang Silangan. Nang makalabas sa pinaka-town proper ng Pagbilao City ay kaliwat-kanan ang mga kagubatan. Mga munting burol na puro mahogany trees. Mga palayan. Ngayon lang niya narating ang parteng iyon.

Sunod na nagpamangha kay Zafrina ay nang makarating na sila sa Quezon National Forest Park. Lumang Zigsag Road o kung tawagin ay Bitukang Manok.

Marahan lang ang pagpapatakbo ni Sovereign sa sasakyan nito habang unti-unti nilang binabagtas ang pinaka Zigzag Road. Pataas iyon.

"Wow," hindi mapigilang bulalas ni Zafrina habang pinagsasawa ang tingin sa magandang view.

"Nakakatakot dumaan dito sa gabi," pagkukuwento pa ni Sovereign mayamaya. "Kung ano-ano'ng maririnig mo. Minsan, may makikita ka pang white lady."

Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. "S-seryoso?"

Tumango ito. "Accident prone rin ang lugar na ito. Marami ng naaaksidenteng sasakyan. Lalo na ang mga bus at truck. Kaya ipinagbabawal na ritong dumaan ang mga provincial buses and trucks. Doon na sila nadaan sa kabilang kalsada na siyang nagsisilbing national road ngayon between Pagbilao and Atimonan."

Hinimas-himas niya ang kaniyang magkabilang braso nang manindig ang mga balahibo niya.

"Noong dumaan kami rito noong medyo bata pa ako. Madaling araw 'yon, may narinig akong umiiyak na bata."

The Billionaire's Secret | Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon