Mango Six

39 0 0
                                    

*Italicized words means the thoughts of the characters*  



Pumunta sa mall si Nikki. Agad siyang pumasok sa paborito niyang store, Forever 21. Pumila na siya sa cashier dala ang isang pares ng gladiator shoes at puting sling bag. Ibinigay niya ang credit card niya sa cashier ngunit ito'y agad na ibinalik sa kanya.


"Ay, ano pong nangyari?" tanong ni Nikki


"Sorry ma'am, but this card is invalid." sagot ng cashier


"Ha? What do you mean...sige sandali lang. Magwiwithdraw nalang ako." sabi ni Nikki, umalis agad siya para puntahan ang pinakamalapit na atm. Sinubukan niyang magwithdraw ngunit nalaman niyang nakafreeze ang bank account niya. Agad naman niyang tinawagan si Miko. Pinuntahan siya agad ni Miko para siya nalang ang magbayad sa pinamili niya.


"Kuya ba't finreeze ni dad ang account ko?" tanong ni Nikki na mukhang sobrang naiinis dahil sa ginawa ng ama niya


"Nikki, mas mabuting ikaw nalang ang kumausap sa kanya." payo ni Miko

Matapos mabili ang mga pinili ni Nikki ay agad naman silang umuwi sa mansion. Dumiretso si Nikki sa office ng dad niya.


"Dad! Bakit mo naman finreeze ang account ko?" galit na tinanong ni Nikki si Alfred


"Bakit hinde? Gusto ko lang naman iparamdam sayo na hindi mo kakayanin kung wala ako." sagot ni Alfred


"So dahil naman ito sa paglalayas ko? Dad, gusto ko lang naman maging independent kahit papano." sagot ni Nikki


"So anong gagawin mo? Are you going to beg me for money?" tanong ni Alfred


"No, dad. I just went here to know the reason why you froze my account. At dahil alam ko na, dad. Gusto kong ipaalam sayo na kakayanin ko kahit walang perang tutulong sa akin na manggagaling sayo." sabi ni Nikki


"We'll see. Wag ka palang magalala sa tuition mo sa Loyola. Di ko yun gagalawin." sagot ni Alfred "Ah, and don't ever think of leeching money from your brother." dagdag ni Alfred


"Don't worry dad. Hindi ko yun gagawin. Yun lang, aalis na ako." sabi ni Nikki, lumabas na siya kaagad.

Inuwi na siya ni Miko sa kanyang bahay.


"Wag kang magalala, Nikki. Tutulungan naman kita." sabi ni Miko


"Kuya hindi na. Kaya ko naman." sagot ni Nikki


"Nikki naman, o sige kahit yung bayad lang sa bahay tas ikaw nang bahala sa iba. Okay na yun?" pilit ni Miko sa sobrang alala sa kanyang kapatid


"Sige na nga. Salamat kuya." pasalamat ni Nikki


"O san ka niyan kukuha ng pera panggastos?" tanong ni Miko

Growing Up (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon