*Italicized words means the thoughts of the characters*
Dismissal na...
Nilapitan ni Ian si Nikki, "Niks, sorry talaga pero pwedeng samahan mo nalang ako?"
Nag-isip-isip si Nikki, "You mean sabay tayong pupunta sa house ko?" Tanong niya
"Oo. Isama mo na rin si Tiffany kung sa tingin mo medyo awkard. Tsaka taga Urdaneta din naman ako eh." Sabi ni Ian
"Fine. Pero maglalakad lang tayo ah." Sabi ni Nikki
"Wait. What!? Ang layo! May driver naman ako tsaka-." Hindi natapos ni Ian ang kanyang sinasabi
"Sige na! Masaya naman eh. Promise!" Sabi ni Nikki. Sa wakas pumayag na si Ian. Niyaya ni Nikki si Tiffany. Pumayag din naman siya. Ayon sa kanya, gusto niyang makita ang magiging reaksyon ni Lizzy sa mangyayari.
"Ian! May lakad yata kayong tatlo? Baka gusto niyo kong isama para mas masaya." Tanong ni Drew, ngunit tinanggian ito ni Ian dahil sinabi ni Tiffany.
"Seriously Keila. Maglalakad lang tayo?" Tanong ni Tiffany
"It'll be fun." Sagot ni Nikki. Wala ng nasabi si Tiffany.
Papunta na sana sila sa Urdaneta kaso nag-iba ng direksyon ng lakad si Ian. Nagtaka ang dalawang babae. Sinabi naman ni Ian na may kailangan muna siyang bilhin bago sila bumalik.
"Ian, ano bang gagawin mo?" tanong ni Nikki
Nagpaliwanag naman si Ian, "Pupunta sana ako sa flower shop ni Riko. Kilala mo naman siya diba?"
"Yung batchmate nating japanese diba? Bibilhan mo ng flowers si Lizzy?" sagot at tanong ni Nikki, tumango naman si Ian
Nang makarating sila sa flowershop, sinalubong sila agad ni Riko. Si Riko Mori ay ang japanese nilang batchmate. Exchange student lang siya nung una ngunit napagdesisyunan ng mga magulang niya na manirahan nalang sa Pilipinas para mamasukan sa flower business. Ang flower shop ng mga Mori, ang Hanayo, ay isa sa mga top flower-selling business sa bansa. Madalas ay sa kanila nanggagaling ang mga bulaklak na ginagamit sa tuwing may okasyon. Mayroon silang malawak na lupa sa Baguio kung saan pinapalago ang kanilang mga halaman.
Pinapasok muna ni Riko ang tatlo sa loob ng shop. Matapos ay iniabot niya ang isang boquet ng puting rosas kay Ian.
"Thanks Riko!" sabi ni Ian
"White roses? Shouldn't it be red?" tanong ni Tiffany
"Magsosorry ako diba? White roses are for purity. Pure. Kaya white ang ibibigay ko kay Lizzy kase gusto kong ipakita sa kanya na malinis ang intensyon ko sa kanya."
"Wow naman. May pa purity ka pang nalalaman ah." sabi ni Nikki
"Purity my foot. Alam mo ba Keila, playboy yang si Ian eh kaya be on your guard lagi ah." paalala ni Tiffany
Natapat na sila sa bahay ni Nikki. Kinuha ni Nikki ang susi sa kanyang bulsa at kanya nang binuksan ang gate. Agad naman niyang pinapasok ang dalawang bisita.
"Hmm, great architecture." namangha si Tiffany sa magarang disenyo ng ceiling at walls ng bahay
"Thanks, kuya ko nagdesign." sabi ni Nikki
"So...mga anong oras darating si Lizzy?" tanong ni Ian.
Tiningnan ni Nikki ang relo niya, "3:45 na so, mga mamayang 4:00 siguro."
"So Keila, anong ginagawa niyo dito the whole day? Hindi ba nakakabaog?" tanong ni Tiffany
"Nakakabaog naman." komento ni Ian
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomanceA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...