Forgotten Memories

18 0 0
                                    

*Italicized words means the thoughts of the characters*  


Umaga na't gutom na gutom na si Nikki. Buti nalang may bacon sa fridge yun nga lang hindi siya marunong magluto. At dahil electric range ang stove, hindi na siya namroblema sa pagsindi nito.

Bago niya ilagay ang bacon strips sa pan, kinuha muna niya ang phone niya at ginoogle ang 'How to cook bacon', 'Easy way to cook bacon', 'How long to cook bacon' etc.

Sinilip ni Xander kung ano man ang ginagawa niya sa phone niya nang hindi man namamalayan ni Nikki na nasa likod niya siya. Bigla nalang natawa si Xander...

"Ay jusko po! Hoy ginulat mo ko!" sigaw ni Nikki

"Grabe, hindi mo alam pano magluto ng bacon? Ang dali lang eh, di mo na nga kailangang egoogle pa." sabi ni Xander

"Sorry naman, never pa kase akong nagluto!" sigaw ulit ni Nikki

Sinindi na niya ang range at saka dahan dahan niyang inilagay ang mga bacon strips sa pan. Matapos ang isang minuto, nagsimula nang tumalsik ang oil ng bacon. Syempre, natamaan si Nikki. Nataranta't natakot naman siya dahil dito.

"Aray! Ang sakit! Bat ganyan?!" sigaw ni Nikki

"OA mo naman." komento ni Xander, pinapanood lang niyang mataranta si Nikki habang nagluluto

"O ikaw na kase." sabi ni Nikki, binigay niya ang tong kay Xander para siya nalang ang magluto. Tinanggap naman ni Xander nang buong puso ang challenge ni Nikki

"Ganito lang yan, kapag golden brown itaob mo na---" biglang nanalamsik ulit ang oil ng bacon, natamaan naman ang pisngi ni Xander, "Aray pucha!" sigaw ni Xander

"Hahahahahahaha! Yan kase! Hahahahahahahahaha!" walang nagawa si Nikki kundi tumawa nang tumawa dahil sa sinapit ni Xander, halos maiyak na siya't naupo sa sahig sa kakatawa

"Uy syempre sa mukha ko tumama." paliwanag ni Xander ngunit wala pa rin, di pa rin matigil si Nikki sa kakatawa

"Sinadya ko talaga yun para tumawa ka. Galing ko no?" gumawa siya ng excuse

"Aww, natouch ako pero I'm not buying it." sabi ni Nikki

"Ewan ko sayo. O eto na aalis na ko." binalik na ni Xander ang tong kay Nikki dahil aalis na siya

"Kaya pala bihis na bihis ka ngayon. San ka pupunta? Anong oras ka uuwi?" tanong ni Nikki

"May lakad kami ni ate. Di mo na kailangang malaman anong oras basta uuwi ako." sagot ni Xander, pinunasan niya ang mantika sa mukha niya at katapos umalis na siya kaagad.



"Ano?! Anong nakita nila?" tanong ni PA Lavarias, nagulat siya sa nireport ni Jacinto

"Nakakita po ang mga pulis ng gold bracelet sa condo ni Selena. Ayon po sa mga kaibigan at kaanak niya, hindi raw po sa kanya yun." inulit ni Jacinto para kay PA Lavarias

"Bakit ngayon lang nila nireport yan?" tanong ni PA Lavarias

"Kanina lang po kase naconfirm na hindi kay Selena ang bracelet na iyon. Sinabi naman ni Karen na hindi pa siya nakakita ng ganung bracelet." report ni Jacinto

"Is there something special about that bracelet?" tanong ni PA Lavarias

"Ayon sa research, since it is an iconic, luxury and classic bracelet, umaabot ang isang bracelet from $6500 to & 17000. That's around Php300,000 to Php800,000 a piece." sabi ni Jacinto

"Okay, for now try mong maghanap mga taong nagmamay-ari ng ganyang bracelet. Judging by the price mukhang hindi ka mahihirapan sa paghahanap. As mush as possible yung mga taong may koneksyon kay Selena. Don't say anything to the press unless I say so ha?" bilin ni PA Lavarias

Growing Up (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon