*Italicized words means the thoughts of the characters*
"Di ko gets." sabi ni Nikki sa sarili, naisip niya kung baka meron ba siyang dapat asahan o ano.
"Buti pa pumasok na rin tayo, baka ma late pa tayo eh." sabi ni Lizzy kay Nikki
Sumangayon si Nikki at sabay na silang pumasok. Hindi nila alam kung saan sila pupunta, bigla na lamang nilang narealize na nasa college building sila nang may isang professor na lumapit sa kanila. Itinuro naman ng professor ang tamang building.
Nang makapasok na sila sa loob, hindi sila sigurado kung mageelevator ba sila o hagdan. Sabi naman ni Lizzy na maghagdan nalang sila dahil sa second floor lang naman ang classroom nila. Nang makarating na sila sa pintuan, nanghinayang pa silang dalawa pumasok.
8:10 am...
"No, di ko kayang pumasok!" sabi ni Nikki, nang tumalikod siya, nakita niya ang isang lalaking maputi at nasa 5"8 ang taas. Napansin niya na may dala dala siyang camera. Tinanong siya ng lalaki...
"Ba't naman di mo kayang pumasok?" tanong ni Ian
"Um, transferee lang kasi kami dito so medyo..." sagot ni Nikki sa mahinang boses
"Transferee ka? Pero parang nakita na kita dati." sabi ni Ian na iniisip kung saan niya nakita ang babaeng kaharap niya
"Hindi. Ngayon lang kita nakita." tanggi ni Nikki
"Hmm siguro nga, Ian nga pala. Ah mas mabuting pumasok na kayo. Magsstart na niyan." Pakilala ni Ian, matapos ay pumasok na siya sa loob ng classroom
"So yun si Ian? Di ko expect na ganun siya kagwapo." papuri ni Lizzy
"TSS gwapo my foot." bulong ni Nikki sa sarili
Sabay pumasok ang dalawa. Nang pagkapasok nila, nakita nila ang napakagulong classroom. Nakatapon ang mga libro, papel at ballpen kung saan saan. Magulo ang mga upuan at table, at nakakumpol ang ibang estudyante sa lugar ng isang lalaki sa bandang likuran. Napansin ni Nikki na ang lalaking iyon ay si Andrew, ang kung fu boy na nakalaro niya dati nung bata pa sila nina Tiffany. Si Tiffany naman ay nakaupo sa bandang gitna. Kausap ni Tiffany si Ian.
"Tiffany!" tawag ni Nikki
"Oh Keila nandito ka na!" sabi ni Tiffany
"New kids, dito nalang kayo maupo." itinuro ni Ian ang dalawang bakanteng upuan, isa sa tabi ni Ian at isa sa likod
Sa isang saglit biglang may humawak sa balikat ni Nikki, tiningnan niya kung sino ito. Si Drew lang pala.
"Niks! I'm surprised. Dito ka na pala mag-aaral." pagulat na sinabi ni Drew
"Unfortunately, yes. Dito na ako mag-aaral." Sagot ni Nikki
"Di ka ba masaya? May hinanda pa naman ako para sayo pati sa kaibigan mo." sabi ni Drew
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomanceA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...