*Italicized words means the thoughts of the characters*
"Lizzy, okay ka lang diba?" tanong ni Nikki. Hindi nagsalita si Lizzy ngunit tumango nalang siya.
"Wag mo ng masyadong isipin yun. Wag ka na ring magalala. Tayo tayo lang naman nakakaalam nun." Sabi ni Nikki
"Sana nga." sabi ni Lizzy na napakatamlay
"Lizzy, sabihin mo nga saken ang nasa isipan mo." sabi ni Nikki, umupo siya sa tabi ni Lizzy
"Hindi ko lang alam kung pano ko haharapin si Ian pag nagkita kami." sabi ni Lizzy, niyakap ni Nikki si Lizzy
"Wag mo nalang masyadong isipin yun. Tsaka dapat nga siya pa yung mahiya diba?" sabi ni Nikki
"Oo nga. Salamat, Nikki." sagot ni Lizzy
Monday ng umaga...breaktime
Kinukulit ni Ian si Xander dahil sa nangyari noong sabado. Sa totoo lang, hindi talaga alam ni Ian kung sino ang nahalikan niya kaya natatakot siya.
"Xander naman eh! Par, sige na. Girl diba? Nako di ko kakayanin kung guy yung nakiss ko." Kinukulit ni Ian si Xander na may kasamang lambing, nakahawak pa ng kamay ni Ian sa braso ni Xander
"Uy san ka sa tingin mo humahawak. Par kadiri ka na. Ang daming tao o." sabi ni Xander, sinusubukan niyang alisin ang nakahawak na kamay ni Ian ngunit napakahigpit ng pagkahawak niya
"Hindi ko ito aalisin hanggat di mo sinasagot ang tanong ko." sabi ni Ian
"O sige. Oo, babae, kakilala natin. O masaya ka na?" sagot ni Xander
"Kakilala natin? Wag mong sabihing si...grabe I'm dead!" sigaw ni Ian
"Oo, par you're dead. Dali magsorry ka na sa kanya." Sabi ni Xander, iniwan niya nalang si Ian sa may hagdan. Nagisip isip si Ian ng paraan kung paano siya magsosorry.
Matapos ang ilang minutong paglalakad at pag-iisip ni Ian, natanaw niya sina Tiffany at Neil. Tumakbo siya patungo sa kanila. Ikinagulat nina Tiffany at Neil ang ginawa ni Ian. Lumuhod si Ian sa harapan ni Neil at nagmakaawa...
"Neil, alam ko galit ka saken ngayon dahil sa ginawa kong kahihiyan nung isang araw. Par, lalo na sayo Stephie, sorry talaga. Lasing ako nung oras na yun. Di ko talaga alam ang nangyari. Sana mapatawad niyo ko sa nagawa ko." nagmakaawa si Ian, halos maiyak na siya sa sobrang kahihiyan at kaba.
"Um...what are you talking about Ian?" tanong ni Tiffany
"Oo nga par. Anong kadramahan 'to? Sasali ka na ba sa Thespians' Club?" tanong ni Neil, natawa nalang siya bigla. Nalito nalang bigla si Ian. Magsasalita sana siya ngunit bigla na lamang dumating si Xander.
"O par, akala ko ba magsosorry ka na? Ano bang ginagawa mo diyan?" tanong ni Xander
"Yun nga yung ginagawa ko ngayon." sagot ni Ian, nalilito pa rin siya
Natawa si Xander, "Ay sorry, Ian. Inisip mo ba na si Tiffany yung kiniss mo?"
"Oh my god! Really Ian? Ako talaga?" sabi ni Tiffany
"Oo, akala ko talaga-"
"Edi sana binugbog na kita ngayon kung si Tiffany nga." sabi ni Neil na natatawa pa rin
"Eee! Xander ba't di mo kase sabihin?!" sigaw ni Ian sa kahihiyan
"Par sorry na. O sige sige sasabihin ko na. Kilala mo siya, transferee siya dito-" sabi ni Xander pero hindi siya natapos dahil nagsalita bigla si Ian
"Si Nikki!? Wala akong laban dun!" nagpanic si Ian
"Tss, kung si Niks yun malamang coma kana ngayon. Lakas makasapak nun eh." biglang dumating si Drew
"Si Lizzy, Ian. Keila told me she kept washing her lips the moment na makauwi sila plus di raw siya makatulog. Haha sino ba namang makakatulog sa lagay na yun lalo na kung nakuha niya first kiss niya from you." sabi ni Tiffany
"Totoo? First kiss niya yun?" tanong ni Ian, kitang kita sa mukha niya na sobra siyang kinakabahan. Namumula ang kanyang mukha, tumutulo na ang kanyang pawis at hindi siya mapakali sa iisang posisyon.
Matapos ang ilang segundo, biglang nagring ang bell...magsisimula na ang klase sa loob ng limang minuto. Sabay sabay na silang pumasok sa kanilang silid-aralan.
Ang unang hinanap ni Ian nang makapasok siya ay si Lizzy. Nagtaka nalang siya nang hindi niya makita ito. Hindi kaya dahil saken kaya di siya pumasok? Sabi ni Ian sa kanyang sarili. Naupo nalang siya at sinuot ang kanyang headset.
Biglang nagbukas ang pintuan at pumasok si Nikki. Ngayon palang siya dumarating. Mukhang hindi lang ang magbabarkada ang mahilig magpalate sa klase. Wait, bat di niya kasama si Lizzy? Kinabahan na si Ian.
"Keila, where's Lizzy?" Tanong ni Tiffany na nasa likuran lang niya. Narinig ni Ian ang usapan sapagkat magkatabi lang sila ni Nikki.
"Hindi siya makakapasok ngayon eh. Alam mo naman...busy sa part time niya." Pabulong na sagot ni Nikki
"Anong part time?" Biglang tanong ni Ian
"Narinig mo yun? Malakas ba boses namin?" Nagulat si Nikki. Inisip niya kung paano narinig ni Ian ang kanyang bulong habang siya'y nakaheadset.
"Masanay ka na diyan, Keila. Kunwari nakikinig sa music pero hindi naman talaga." Sabi ni Tiffany
"Thank you Stephie for spilling one of my secrets. Oh ano nga yung part time na yun?" Mapilit na tinanong ni Ian. Isang bagay na hilig ni Ian ay ang hindi siya titigil hanggat hindi nasasagot nang maayos ang kanyang mga tanong. Isa rin yun sa ugali niya na minsa'y kinaiinisan ng kanyang mga kabarkada. Pero ayon kay Xander, ayos lang naman daw yun lalo na kapag may kasamang lambing.
"Part time job duh!" Biglang sagot ni Tiffany. Bigla siyang tinignan ni Nikki nang masama.
"Part time job? Bat naman niya kailangan yun?" Nagtataka sa Ian.
Oops... Ngayon palang naisip ni Tiffany ang kanyang sinagot kanina. "Part time job, kaming tatlo nina Nikki. Napagusapan namin na itry magwork kahit sandali lang. Hehe." Biglang kinabahan si Tiffany
"Ah okay. Ano namang pinasukan niyong work?" Tanong ni Ian
"Um...maghahanap palang kame." Bigla ulit sagot ni Tiffany
"Akala ko ba meron na? Sabi niyo kanina busy si Lizzy sa part time niya." Tanong ni Ian nang may pagdududa.
Uh oh...I'm so bad in making stories! Sabi ni Tiffany sa sarili. "Una siyang nakahanap eh. Eee, dami mong tanong!" Sigaw ni Tiffany
"Okay fine." Sagot ni Ian
Habang nagdidiscuss sa harapan si Mr.Reyes...inabutan ni Ian ng puting papel sa Nikki.
Napansin ni Nikki na may nakasulat sa papel. Binasa niya ito. Anong address ni Lizzy? Sinulat ni Nikki ang sagot niya at ibinalik niya ang papel kay Ian.
Nikki: Kung saan ako nakatira. Secret na yun hehehe
Ian: Wait...naglilive in kayo?!
Nikki: Gagi! Nakikitira lang siya kase malayo house niya! Bat mo pala tinatanong?
Ian: Magsosorry sana ako. Saan na kase? Na? Na? Na? Sige na.
Nikki: Pano ka magsosorry? Share mo naman saken.
Ian: Syempre secret na yun hahaha
Nikki: Eee malay mo matulungan kita. Kung ayaw mo sabihin edi secret na rin yung address! Hahahahaha
Ian: Niks naman, joke lang yun. Sige bigay mo nalang number mo saken tas text nalang kita. Ok? Pwede na yun?
Nikki: Fair enough. 09... Pangalawang kanto sa left pagpasok sa gate, malaking black gate as in malaki yung di mo makikita yung nasa loob whatever. Urdaneta pala.
Ian: Thank you! Super thank you! XOXO^^
Nikki: Eeww. Kadiri ka!
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
Roman d'amourA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...