*Italicized words means the thoughts of the characters*
Monday...
Pagkapasok nina Nikki at Lizzy na kakauwi lang galing probinsya sa classroom ay nakatingin halos lahat ng mga tao doon. Hindi nalang sila pinansin ni Nikki. Nakatanggap siya ng text galing kay Tiffany, pinapapunta sa ngayon sa studio ni Ian sa loob ng university. Dahil maaga pa naman, pumunta na siya doon.
Iyon palang ang unang beses na papasok siya sa studio ni Ian. Nang makapasok na siya ito ang mga nakita niya: kitchen bar, study tables, lounge, malaking led screen na may xbox, dart board, sofa bed, billiard table, vending machine, refrigerator na ice cream at sodas ang nilalaman, mac computers at wall na punong puno ng letrato. Naabutan niya na nag-aayos sina Ian at Tiffany ng mga letrato sa isang table.
"Hi Nikki, nandito ka na pala." sabi ni Tiffany
Pinagmamasdan ni Nikki ang wall na punong puno ng letrato...na-amaze siya sa mga nakikita niya
"Tawag ko diyan Wall-E. E for encounter, experience and escapade. Ever since bata ako hilig ko na ang photography." paliwanag ni Ian
"Lahat ng mga kinuha niyang photos from important events dinidikit niya diyan. Parang eto, tinutulungan ko siyang e sort out yung mga photos worthy to be posted." sabi ni Tiffany, pinakita niya ang mga pinaprint na photos ni Ian sa iba't ibang araw at events.
"Eto lahat ng napili kong photos from Jessica's debut." sabi ni Ian, pinakita niya ang mga ito kay Nikki at Tiffany, "Syempre yung group selfie natin kasama pati na rin mga solo photos with other pips. Pati pala yung mga magagandang candid photos sinama ko na." dagdag niya
"I'll give you a tour nalang sa wall-e, ok?" sabi ni Tiffany, "So bale mostly yung mga nasa dulo sa left, yun yung mga childhood photos namin na mostly parents namin ang kumuha. Ayun nga o, nung nadapa yung 7 yrs.old na Xander sa kulungan ng ducks...grabe makes me laugh everytime. Tas eto pa, nung unang beses na nagbike si Drew pati Ethan." kwento ni Tiffany
"Nikki, kung makikita mo dun sa upper left corner yung childhood photo nilang dalawa ni Drew, di pa sila marunong kumain ng ice cream kaya ang dungis nila." kwento ni Ian, nahiya na bigla si Tiffany
"Sayang talaga Nikki, kung nag-aral ka dito dati for sure nandiyan ka rin." sabi ni Tiffany
"Missin' the good old days..." komento ni Ian
"Salamat pinapunta niyo ko dito. Share ko lang ha, kaninang pagpasok ko sa room lahat sila nakatingin sa kin kaya nung nagtext ka, agad akong umalis." kwento ni Nikki
"Ay about that! Kase last saturday night pinagbawal na ilabas ang mga photos until yesterday kaya kaninang umaga palang nagsilabasan ang mga photos and news sa net. Mamaya palang nga ipalalabas sa broadcasting station namin yung exclusive debut ni Jessica." sabi ni Tiffany
"Guess what? Tayo ang laman ng balita. As in tayo. I checked a lot of sites kanina at mas marami pang articles ang ginawa para sa atin kesa kay Jessica mismo. I quote 'Heirs and heiresses slayed the red carpet last saturday night blah blah blah.'" kwento ni Ian
"Nikki, check mo nga instagram ang twitter mo. I just checked mine kanina and then sobrang dumami followers ko! It's over a million na nga eh! Mind blowing." sabi ni Tiffany
"It's over a million din." komento ni Nikki na in shock pa rin ngayon dahil sa atensyon na nakukuha nila galing sa media at mga tao
"Ah eto Nikki, ang daming nagcompliment sa damit mo! Kasama na si Alyssa Jung, yung expert sa fashion. Sabi niya, 'The one that stood out the most for me during Jessica's Red carpet themed debut is the lady in black. Edgy and classic. It's gothic at the same time feminine, I loved it! Her perfectly toned skin and amazing figure complimented the outfit. Vivien Morada was really full of surprises. I love all her works.'" sabi ni Tiffany
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
Lãng mạnA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...