*Italicized words means the thoughts of the characters*
Mabilis ang paglipas ng araw, sabado na nga! Dumating na ang event na isa sa mga pinakahihintay ng lahat, ang Welcome Party para sa A.Y. 2020.
Busy lahat ng estudyante ng Loyola maliban kay Xander na nakamukmok lang sa kwarto niya. Sa isang sandali, may kumatok sa kanyang pintuan.
"Ya, sabi ko naman sayo na wag niyo po muna akong istorbohin." sabi ni Xander na nakahiga lang sa kama niya. Ngunit mas lalo pang lumakas ang pagkatok, nainis na si Xander kaya binuksan na niya ang pinto. Laking gulat niya sa kanyang nakita.
"Ate? Akala ko sa monday ka pa uuwi?" Tanong ni Xander
"Gusto kong isurprise ang little brother ko eh." sagot ni Adriana o AJ
"Well, successful ang surprise mo. Namiss kita, ate." sabik na niyakap ni Xander si AJ. Halos isa't kalahating taon nanirahan si AJ sa Spain para pag-aralan ang wine business doon.
"Ate, hanggang kelan ka dito? Bat di mo kasama si KenF pati si kuya." tanong ni Xander
"Well, since stable na ang business sa Spain, mukhang magtatagal ako dito. Uuwi sila in a month or less." sagot ni AJ
"YES!" sigaw ni Xander sa tuwa
"Xander, balita ko mamaya na ang Welcome party. Pupunta ka ba?" tanong ni AJ
"Siyempre naman." sagot ni Xander
"Mabuti naman. O kumusta ka nga pala sa school? Masaya ba?" tanong ni AJ
"Hindi ko lang sigurado pero mukhang magiging masaya ang taon na to." sagot ni Xander
Kanya kanya ang paghahanda ng mga tao para sa party mamaya...
"Lizzy! Lizzy! Subukan mo itong dress. Siguradong bagay sayo ito." iniabot ni Nikki ang isang napakagandang dress.
"Ang ganda niya Nikki. Um pero hindi ba siya medyo revealing?" tanong ni Lizzy
"Ano ka ba, konting skin sa likod lang naman. Plus yan ang trend ngayon." sabi ni Nikki, pumayag nalang si Lizzy.
"Omg Neil! Nakuha ko na yung pinagawa kong dress. Don't forget to pick me up later ha?" Paalala ni Tiffany kay Neil habang kausap niya ito sa phone.
"Ma, hindi na ako bata okay? Mag-isa nalang ako pupunta mamaya sa Loyola. Tsaka may driver naman tayo diba?" sabi ni Ian sa mom niya na nangungulit na ihahatid daw siya sa Loyola para sa party maya maya
"Ethan, samahan mo ang mom mo mamaya para sa kanyang business meeting. Sa tingin ko mabuti rin na alam mo kung paano tumatakbo ang business natin nang maaga." utos ni Lyon sa anak
"Dad may party po sa school mamaya, eh I told someone to come for me. Nakakahiya naman po kung ako yung hindi pupunta." sagot ni Ethan
"Puro nalang kayo party! Hay, bahala ka. Makakalabas ka na." sabi ni Lyon, lumabas na si Ethan sa office ng ama niya at nagsimula na siyang maghanda para mamaya.
7:00 pm, 30 minutes bago ang actual party ay nagsidatingan na ang mga estudyante suot ang kanilang magagarang damit.
Nagpahatid lang sina Nikki at Lizzy kay Miko.
Ginanap ang party malapit sa may pool at meron pang live band para mas maging masaya.
Nang makarating na sina Nikki at Lizzy sa mismong venue, ang St.James Building na nakalaan para sa mga party na tulad nito. Agad sinalubong ni Ethan si Nikki.
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
Storie d'amoreA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...