Pretty Please

15 0 0
                                        

*Italicized words means the thoughts of the characters*  


"Anong ginagawa niyan dito?" tanong ni Xander, napatigil ang tatlo sa panonood sa monitor

"Ay oo dito ka pala---ano kase--sa labas--" di niya masabi sabi dahil natataranta pa rin siya sa sinapit niya

"Maraming paparazzi sa labas." si Drew na ang sumagot nang mapansin niyang hirap si Nikki

"O tapos?" sabi ni Xander, "Bat nga andito ka?" tanong niya with 'the look'

"Ha? Uy don't give me the look!" sabi ni Nikki

"Anong 'the look'" tanong ni Ian

"Yung expression niyang parang papatay ng tao." bulong ni Nikki kay Ian

"Ahhhh, hahahahaha oo nga!" natawa nalang si Ian at Drew

Nagawang itago ni Xander ang tawa niya para maipakita na walang epekto sa kanya ang sinabi ni Nikki, "Ano ngayon kung ganun? Sa kabila ka naman bat dito ka pa nagtago?" tanong niya

"Nawawala kase yung keycard ko." sagot ni Nikki

"Sus gumagamit ka pa ng keycard?" hindi expect ni Ian ito, hindi kase sila gumagamit nito

"Pwede mo namang eenter yung password diba?" sabi ni Xander

"Uhm---di ko alam password eh." mahinang sinabi ni Nikki dahil nahihiya pa siya

"O pano ba niyan, dito muna kami ha par." sabi nina Ian at Drew kay Xander, bumalik silang dalawa sa paglalaro ng xbox ngunit napatigil sila nang sabihin ni Xander...

"Lumabas ka na." utos ni Xander kay Nikki

"Ha? Papatayin nila ako pagnakita nila ko." paliwanag ni Nikki

"Sa tingin mo may pake ako?" sabi ni Xander, "Labas." kinaladkad ni Xander si Nikki, bubuksan na sana niya ang pinto kaso...

"Uy please please please, wag mo kong bibigay sa kanila. Anong sa tingin mong sasabihin nila pag nakita nilang lumabas ako sa bahay ng lalake? Tatawagin nanaman nila akong malandi. Kaya pretty please, please, please." pakiusap ni Nikki with matching pakaawa face

"Par, kawawa naman yung bata, pagbigyan mo na." sabi ni Drew

"Uh, Niks?" wika ni Ian

"Oh?" reply ni Nikki

"Talaga bang dumudugo yan?" tinuro ni Ian angdumudugong tuhod ni Nikki, malamang hindi nila napansin kanina dahil inakala nila na pula talaga ang panyo sa kanyang tuhod

Binitawan nalang bigla ni Xander si Nikki nang makita niyang dumudugo nga ang tuhod niya. 

"Fine. Pero hanggang mamaya lang." pumayag na si Xander na manatili muna si Nikki ngunit panandalian lang

"Woy, Xander nasan yung first aid kit mo? May nakita ako kanina eh." tanong ni Drew, "Babae, dito ka." sabi ni Drew kay Nikki

Umupo si Nikki sa couch para malinis ang kanyang sugat

Iniabot ni Xander ang kit kay Drew, "Par, alam mo niyan pano?" biro ni Ian kay Drew

Napatawa muna si Drew, "Hehe, hindi eh. Ikaw ba?" tanong ni Drew kay Ian

"Hindi rin eh. Kaso pag wala tayong ginawa baka magka infection pa yan or worse baka e chop pa nila yang binti niya." nagsimula ng manakot si Ian

"Uy! Ano ba? Baka di na ko makapagshorts niyan." sabi ni Nikki

"Ayan pala si Xander!" turo ni Ian

"Ha? Ako? Bakit ako?" tanong ni Xander na nananahimik

"Syempre ikaw! Halos doktor mga kamag-anak mo kaya for sure may alam dito." sabi ni Ian

Growing Up (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon