*Italicized words means the thoughts of the characters*
Lumabas si Nikki para buksan ang gate.
"O Neil, napadaan ka?" tanong ni Nikki, pinapasok niya siya sa loob
Nagulat ang lahat sa di inaasahang bisita.
"Sup dude!" bati ni Ian kay Neil, nag-apir pa sila
"Beb, pano mo nalaman address ni Keila?" tanong ni Tiffany
"Tinanong ko sa guard. Napahiya pa nga ako eh!" kwento ni Neil, umupo siya sa sahig sa tabi ni Tiffany at dinampot niya ang isang slice ng pizza
"Don't tell me naligaw ka!" sigaw ni Tiffany
"Nagdoorbell ako sa bahay malapit lang dito. Eh magjowa pala ang lumabas. Akala tuloy ng lalake may iba gf niya. Hays buti nga di ako nabugbog eh." kwento ni Neil
"Ba't ka nga pala napadaan?" tanong ni Nikki
"Balak ko sana tutuloy na ko kina Ian kaso naalala ko pupunta pala kayo dito so pumunta na ko." sagot ni Neil
"Pupunta ka samin? Ay oo nga pala! Naiwan mo pala yung controller sa games room. Paalala mo mamaya ha?" sabi ni Ian
"Neil kumusta na pala yung pinapagawang dorm?" tanong ni Tiffany
"Sabi ng mom ko mag-oopen na siya in a week so as early as now magpareserve n
a ng space." sagot ni Neil
"Dorm? Anong dorm? Saan?" tanong ni Nikki
"Yung malaking building na pinapagawa sa harap ng university, condo siya na exclusive para saten. Well, condominium siya eh pero I think dorm na rin yun. Dapat sa loob siya ng campus kaso sabi ni tito Paul sayang naman yung malaking garden malapit sa gymnasium kung doon gagawin so in the end sa harap nalang siya ng university." sabi ni Tiffany
"O pano ba yung set up ng rooms?"tanong ni Nikki
"Yung 3rd-20th floor, typical na condo unit. Yung 21st-30th floor naman um, sa totoo lang 5 floors lang talaga siya. Umabot ng 10 floors kase parang...may second floor kase yun kaya ganun. Maganda, pramis. Parang bahay talaga. Syempre pwedeng magshare, but not for me!" sabi ni Ian
"Yung pinareserve ko nasa 21st floor. Sa 2105 pala nyan ako, Ian balita ko sa 2104 daw si Zoe." sabi ni Neil
"For real?! Par naman, pwedeng dun nalang ako?" nagmakaawa si Ian kay Neil ngunit patuloy pa ring iniinggit ito. Si Zoe Roy ang nanalo sa University Pageant, pageant na kasama ang iba't-ibang university at college sa Pilipinas, na ginanap sa UST Grandstand. Sa kasalukuyan, siya ay nakakontratang magmodelo at magendorse ng iba't-ibang clothing companies sa Pilipinas tulad ng Kashieca, Penshoppe at Forever 21.
"Ian, pupunta ka pa ba kina Xander bukas?" Tanong ni Neil
"Ay! Oo nga, birthday ni Cairo nyan diba?" Sabi ni Tiffany
"Oo naman." sagot ni Ian
"Sinong Cairo?" tanong ni Lizzy
"Si Cairo Ken! Anak ni ate AJ duh!" sagot ni Tiffany
"Sorry, di ko kase alam." sagot ni Lizzy
"Guys, oo nga pala. Narinig ko sa phone yung dad ko kaninang umaga. Magdedebut na pala niyan si Jessica. Binigay saken ng dad ko kanina yung invitation. Look." kwento ni Tiffany, iniabot niya ang pulang invitation kina Ian
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomanceA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...