*Italicized words means the thoughts of the characters*
"Nikei, wala na ang mga reporters sa ilabas kaya pwede ka ng umalis kung gusto mo." sabi ni Xander
"Salamat Xander. Kase pumayag ka na magstay ako dito. Kase binilhan mo ko ng clothes and---oo alam mo na. Thank you kase naniwala ka saken." pasalamat ni Nikki
"Wala yun. Wag ka nga muna palang pumasok, delikado pa eh." bilin ni Xander
Tumango nalang si Nikki, "Xander, alam mo narealize ko lang na pwede naman tayong maging magkaibigan eh. Don't you think?" tanong ni Nikki
"Uh, bahala ka. Kung yun yung gusto." sagot ni Xander
"Haha yay, pero meron akong isang kundisyon." sabi ni Nikki
"O ano nanaman?" tanong ni Xander
"Hmm, just promise na di tayo mafafall sa isa't isa." sabi ni Nikki
"Fall? Ah gets. Sus, kahit di naman ako magpromise di rin naman mangyayari yun." sabi ni Xander
"Kahit na! Sina Andrew at Steffany nga eh." depensa ni Nikki
"Bakit ba kase?" tanong ni Xander
"Kase pag nangyari yun masisira lang buhay natin because of our parents." paliwanag ni Nikki
Napa-isip nalang bigla si Xander, medyo nagdadalawang isip pa siya kung itutuloy niya ang pakikipagkaibigan niya kay Nikki pero pumayag nalang siya, "Fine. I promise." sabi ni Xander
"Ako rin, I promise. Thanks. Sige mauuna na ko. Bye! Bye Choco! Bye Ken!" sabi ni Nikki, kinuha na niya ang lahat ng gamit niya
"Nikei." tawag ni Xander bago pa man makalabas si Nikki, "Hindi mo ba naisip na baka nagkita na ta---kayo ni Choco nung bata ka pa? Puppy palang siguro siya nun." sasabihin sana niya na 'tayo' kaso natatakot siya na baka ano pang isipin ni Nikki
"Si Choco? Di ko alam, wala akong maalala eh. Bakit ba?" sagot ni Nikki
"Wala lang, kase ang bait niya sayo." sabi ni Xander
"I guess I'm just charmed." sabi ni Nikki, lumabas na siya katapos dala ang mga gamit niya at mga damit na binili nina Xander
"Kuya, what's a promise?" tanong ni Ken na hindi pa diretso magsalita
"Promise. It's something that should not be broken. Minsan kailangan mo pang magsakripisyo para lang tuparin ito." sagot ni Xander
"I don't understand." sabi ni Ken
"When you grow up you'll understand." sabi ni Xander
Meanwhile sa mansion ng mga Mendez...
"Alfred, aren't you gonna do something about the situation?" tanong ni Victoria
"Let the police do their job. Di na natin kailangang makialam." sagot ni Alfred, hindi naman makapaniwala si Victoria sa sinabi ng asawa niya
"But people are wrongfully involving your daughter!" sigaw ni Victoria
"Hindi mo naman kailangang e concern ang sarili mo sa anak ko. I heard, Jaime's in charge of the case. May tiwala naman ako sa kanya." sabi ni Alfred
"Kahit na, di naman pwedeng nakaupo lang tayo sa office araw araw habang binabash ang anak mo." paliwanag ni Victoria
"Hintayin nalang nating matapos ang kaso. After that, you can start filing people for wrongfully blaming my daughter. Ipakita mo na nagkamali sila sa taong binangga nila. Can you do that for me? For Nikki?" bilin ni Alfred

BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomansA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...