*Italicized words means the thoughts of the characters*
"Wala pa ba si Nikki?" tanong ni Vivien, "Tawagin niyo nga." dagdag niya
"Tita papunta na daw siya." sagot ni Tiffany
"O sige. Pasok na kayo dun sa pangalawang kwarto. Dun na kayo magbihis." sabi ni Vivien
Matapos ang 20 minutes, nakarating na si Nikki. Pinagmadali siya ni Vivien sa pagbihis dahil baka malate sila sa debut ni Jessica. Pagkatapos nilang magbihis...hair and makeup naman ang sumunod
"Akin nalang abs mo, Nikki." biro ni Tiffany
"Bagay niya nga yung crop top eh, since flat yung stomach niya plus maganda yung shape ng katawan niya." sabi ni Vivien
"Tiffany, hindi ba pupunta si Neil?" tanong ni Riko
"Hindi eh. Pero sabi niya susunduin nalang niya ako mamaya." sagot ni Tiffany
Mahigit sa isang oras silang inaayusan. Ang kay Riko, nakakulot at bagsak ang kanyang buhok. Smoky eyes at MAC Paramount para sa lips. Sinamahan ni Vivien ng kumikinang kumikinang na singsing. Si Tiffany naman ay naka side-swept curls. Smoky eyes at MAC Diva sa lips. Sinamahan niya ito ng diamond earrings. Si Nikki naman ay naka updo ang hair niya. Nature eyes at MAC Ruby Woo para sa lips. Sinamahan niya ito ng Cartier diamond bracelet, necklace at earrings.
Habang inaayos sila for the final touch, isang headline sa balita ang kumuha sa atensyon ng lahat. Isang chemical factory sa Balintawak ang nasunog. Mahigit sa 50 ang naiwan at nasunog sa loob.
"Grabe naman yan. Enrico Tan? Nako kaya naman pala, intsik ang may-ari ng factory." komento ng isa sa mga stylist ni Vivien
Enrico Tan? Business partner siya ni dad. Ano bang nangyari... Naisip ni Nikki
Natapos na rin sila sa pagme-makeup. Sa wakas, handa na sila.
"Girls ang ganda niyong lahat. Dahil diyan, papicture mo na tayong lahat!" sabi ni Vivien
"Guys pano pala sasakyan natin?" tanong ni Riko
"Don't worry, tinawagan ko kanina si Ian, ipapadala nalang daw niya yung Escalade." sabi ni Tiffany
May narinig silang nagbeep na sasakyan sa ilabas...
"O baka yun na yun!" sabi ni Nikki
"Ay wow, Cadillac." komento ni Riko
"Girls, remember ha? Own the red carpet." payo ni Vivien
Pumasok na sila sa loob ng Escalade...
"Kuya si Ian?" tanong ni Tiffany sa driver
"Hihintayin niya nalang daw po kayo doon." sagot ni kuya driver
Nagpark ang Escalade sa tabi ng puting Lotus Evora. Sinabi naman ni kuya driver na kay Ian ang sasakyan na iyon. Matapos ang ilang segundo, lumabas na si Ian. Kumatok naman siya sa tinted na salamin ng Escalade. Binuksan naman ito ni Tiffany.
Kunwari ay nagulat siya sa kanyang nakita para asarin si Tiffany, "omaygad! Chakadal!"
Sinapak naman siya ni Tiffany, "Shut up!"
"Aray! Oh hi Riko! Hi Nikki!" sabi ni Ian
"Ikaw lang? Nasan yung tropa mo?" tanong ni Tiffany
"Papunta na daw sila. Tsaka mauna nalang daw tayo." sagot ni Ian
Bumaba na ang mga girls sa Escalade. Pinauwi na rin ni Ian si kuya driver.
"Woah Steffany! Payag ba si Neil sa suot mo?" tanong ni Ian
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
Roman d'amourA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...