*Italicized words means the thoughts of the characters*
Prosecutor's Office sa Quezon City...
Nireport ni Detective Lucas Jacinto ang lahat ng nalalaman niya kay Prosecutor Jaime Lavarias, ang ama ni Jacko. Dinala niya lahat ng dokumento, resulta ng autopsy, cctv tapes at mga testimonya ng mga taong malapit at mga taong posibleng may alam sa nangyari.
"Mr.Lavarias." tawag ni Jacinto
"Nagawa mo na ang ipinapagawa ko?" tanong ni Prosecuting attorney(PA) Lavarias
"Ano ang resulta ng autopsy?" tanong ni PA Lavarias
"Selena died from drug overdose. A huge trace of fluoxetine and ketamine has been found." report ni Jacinto, "Tama nga siguro ang hinala ng mga pulis na suicide ang nangyari. Baka mas mabuti ng isara na natin ang kasong ito.Yun din po ang hiling ng pamilya niya." dagdag ni Jacinto
"Fluoxetine at Ketamine. Ayon sa testimony ng kamag-anak niya, Prozac ang ginagamit niya na kinumpirma naman ng doktor niya." sabi ni PA Lavarias
"Limang bote ng Prozac din ang nakita ng mga pulis sa condo niya." dagdag ni Jacinto
"Kumusta ang suicide letter?" tanong ni PA Lavarias
"Kinumpirma naman po ng kapatid ni Selena na iyon ang sulat niya." sabi ni Jacinto
"Sobrang depressed siya so she drank plenty of antidepressants which resulted to her death. May suicide letter siya at statement ng katulong niya...something's not right." sabi ni PA Lavarias
"Ha? Enough na po ang mga ebidensya para iconclude na suicide nga ang nangyari." sabi ni Jacinto
"Dala mo ba ang suicide letter?" tanong ni PA Lavarias
"Opo." sagot ni Jacinto
"Basahin mo." utos ni PA Lavarias
Kinuha ni Jacinto ang letter na nakalagay sa isang plastic seal, "Ma, Pa at Senna. Kung nababasa niyo po ito ngayon malamang nagtagumpay ako sa ginawa ko. Ma, Pa, Senna...patawarin niyo ko. Patawarin niyo ko na umabot pa sa ganito. Hindi ko na talaga kaya. Sobrang sakit na. Nahihirapan na ko. Ma, wag mo sanang hayaan si papa na maglasing ha? Pa, wag mo sanang hayaang malungkot si mama habambuhay. Senna, patawarin mo ko sa lahat. Sorry kase, hindi na kita maidadala sa Santorini. Sean, kung nababasa mo ito sana masaya ka na sa babae mo. Para naman sa babaeng sumira sa atin. See you in hell you fucking whore!" basa ni Jacinto
"Tell me. Does that sound like a real suicide letter to you?" tanong ni PA Lavarias kay Jacinto
"Honestly po, ngayong binasa ko ulit, I began to have doubts." inamin ni Jacinto
"Its not. Drama queen, clingy, bipolar, frank...ilan ito sa mga description ng mga kaibigan niya. These traits doesn't justify the letter. English speaking daw siya lagi pati sa bahay, bakit ganyan ang letter niya? Ma, Pa, Senna? Ayon sa mga report Mommy, Dad at Nana ang tawag niya sa kanila. Diyan palang, masasabi ko na na fake ang letter na yan." sabi ni PA Lavarias
"Sabi mo kanina all evidence points to suicide. It fits perfectly. The fact that everything fits perfectly is what bothers me, as if something's not right, as if conspiracy was involved." sabi ni PA Lavarias, "Fluoxetine at Ketamine? Prozac aka fluoxetine lang ang nakita sa condo niya. Saan galing ang ketamine?" dagdag niya
Namamangha na si Jacinto dahil sa tindi ng logic ni Prosecutor Lavarias
"Saan nakatira si Sean at ano ang kanyang statement?" tanong ni PA Lavarias
"Sa Mandaluyong po siya. He's currently repenting and mourning sa sinapit ng ex niya." report ni Jacinto
"Walang mga cctv camera sa hallway ng unit ni Selena. Ayon sa report pinapunta niya ang katulong niyang si Karen Latayan sa EN building para ihatid ang ilang dokumento hindi ba?" tanong ni PA Lavarias
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomanceA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...