Air on the G string

28 0 0
                                    

*Italicized words means the thoughts of the characters*  


"O kuya. Anong sabi ni Dr.Jimenez?" tanong ni Nikki. Matapos siyang magpatest at CT scan, kinausap ni Miko si Dr.Jimenez, family doctor ng pamilya nila na nagcclinic sa St.Luke's Medical Center, tungkol sa kondisyon ni Nikki.

Kitang kita sa mukha ni Miko na hindi siya nasiyahan sa napag-usapan nila ni Dr.Jimenez, "Kailangan mo ng bagong inhaler."

"Tinawagan mo na si dad? anong sabi niya?" tanong ni Nikki

"Papupuntahan nalang daw niya si Dr.Jimenez mamaya and dun nalang nila ididiscuss yung case mo." sagot ni Miko, "Nikki, wag ka nang maglalakad araw-araw. Kahit malapit lang, magbus ka pa rin ha?" dagdag ni Miko

"Bus?" sabi ni Nikki

"Oo bus. Ah di mo ba napansin? Napalitan na ng bus yung mga jeep dito sa Makati. Sa Makati lang naman. Ginaya nila yung sa Korea." sabi ni Miko

"Ow, kaya pala." sabi ni Nikki, "Kuya, sa tingin mo...um if ever lumala pa to, magtetheraphy ba niyan ulit ako?" tanong ni Nikki

"Let's hope nalang na hinde. Ah oo nga pala, tuloy ba yung lakad niyo ni Tiffany?" tanong ni Miko

"Yup, sabi niya punta nalang daw ako pagkatapos natin dito." sabi ni Nikki

"O tara na. I'm sure kanina pa siya nandun." sabi ni Miko, binili na nila ang lahat ng gamot na kailangan ni Nikki at umalis na sila matapos


6:00pm na nang makarating sila sa office ni Vivien Morada, isa sa pinakasikat na fashion designer sa Pilipinas na kilala rin sa ibang bansa. Nandoon na si Tiffany. Kasama din niya si Riko Mori na mag-aattend din ng debut ni Jessica.

"Oh my gosh, hi kuya Miko!" sobrang saya ni Tiffany nang makita niya ulit si Miko

"Hi Tiffany. Ah, Nikki text mo nalang ako pag magpapasundo ka na ha?" sabi ni Miko, umalis na siya agad

"Sino yun?" tanong ni Riko

"Kuya ni Nikki---um Keila. Gwapo niya no?" sabi ni Tiffany

"Super." nag-agree naman nang todo si Riko

"Ay alam mo si Mavi? Yung eight years old na kapatid din ni Keila? Nako, pag laki nun, he'll break lots of hearts." kwento ni Tiffany

"Grabe, so ganun kaganda yung genes niyo." puri ni Riko

"Eee, wag nga kayo. Kumusta na pala yung mga dress?" tanong ni Nikki

"Ah, tita Vivien! Nandito na pa si Keila." tinawag ni Tiffany si Vivien. Ever since na bata pa lang si Tiffany ay siya na ang nagdedesign at gumagawa ng mga sinusuot niya kaya naman naging magkaibigan na sila at para na ring kapamilya ang turing nila sa isa't isa. Nagkakilala naman sina Nikki at Vivien noong nagpagawa siya pati si Victoria ng gown pra sa isang celebration.

Pinakita ni Vivien kay Nikki ang mga dinisenyo niya para sa kanilang tatlo. Inexplain niya nang maayos ang kanyang concept para sa tatlo...

"As for Riko, glamorous at the same time sexy, I thought of a nude illusion sheer dress with a large cut-out on each hip. My team will add embellished stripes that are strategically designed para hindi magkaroon ng wardrobe malfunction. Floor length siya by the way." inexplain ni Vivien ang kanyang concept para sa design ni Riko

"Um tita, kumikinang po ba niyan yung dress." tanong ni Riko

"Ah, yes. We will be adding some shimmer to the dress of course." sagot ni Vivien.

Growing Up (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon