Cry Cry

70 0 0
                                    

*Italicized words means the thoughts of the characters*  


"Ate Nikki! Ate Nikki! Are we going back to the Philippines na?" tanong ni Mavi habang naglalakad sila nina Miko at Nikki sa Hyde Park sa England.

"Ay, bakit mo naman natanong yan?" tanong ni Nikki sa kwelang kapatid

"Kase I heard mom talking to dad about going back there so..." sagot naman ni Mavi sa kanyang ate

"Kung ganun eh, edi masaya. Tatlong taon na rin tayong hindi lumilingon sa Pilipinas. Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko?" sabi ni Miko

"Oo nga eh, mas makakabuti pa siguro para sa atin na bumalik nalang tayo doon. Diba Mavi?" sabi ni Nikki habang kinukurot ang pisngi ni Mavi

Sa isang sandali, biglang nagring ang cellphone ni Miko. Kaagad niya naman itong sinagot "O, dad, napatawag ka?" "Yes dad. Right away." Sagot ni Miko

"O anong sabi ni dad?" tanong ni Nikki

"Pinapauwi na tayo ni dad. Kailangan pa daw natin ayusin ang mga papeles natin." sagot ni Miko

"Papeles para saan?" tanong naman ni Nikki

"Uuwi na daw tayo sa Pilipinas the day after tomorrow!" masayang sinagot ni Miko

Dahil dito, nagsitalon ang magkakapatid dahil sa saya na babalik na sila sa Pilipinas. Magkasama at masaya silang umuwi.

Tatlong taon nang naninirahan ang pamilya Mendez sa England. Ang kanilang paglipat dito ay dahil kamuntik nang bumagsak ang isang kumpanya ng Empire Group sa england kaya't kinakailangan itong tutukang mabuti ni Alfred Mendez upang mas lumago pa ito.

Nang makabalik ang magkakapatid sa bahay, dali dali silang sinalubong ni Iggy, ang alagang St. Bernard ni Miko. Agad naman itong niyakap ni Mavi. Pagpasok nila sa bahay, nakita nilang nakatayo sa kanilang harapan si Victoria.

"Mommy! Mommy! We're back!" tumakbo si Mavi papunta kay Victoria at hinalikan ang pisngi nito

"Kumain ka na ba?" tanong ni Victoria sa anak

"Yes mommy." sagot ni Mavi sa ina

"Good, pasok ka na sa room mo okay?" utos ni Victoria sa anak, agad naman itong sinunod ni Mavi

Nang makaalis na si Mavi, tiningnan ni Victoria ang dalawa at sinabing "Ang sabi ko umuwi kayo bago mag 5pm. Ano nang oras ngayon?" galit na sinabi ni Victoria kina Miko at Nikki

"Sorry po di na po mauulit." sagot ni Nikki

"Talagang hindi na! Hays." sigaw ni Victoria, agad siyang umalis matapos niyang sambitin ito

"Bitch." sambit ni Nikki nang makaalis na si Victoria sa kanilang paningin, tiningnan naman siya ni Miko matapos niyang sabihin ito at sabay silang tumawa.

Makalipas ang dalawang araw, handa na ang lahat. Tumungo na sila sa Cardiff airport para makaluwas na sila sa Pilipinas.

Magkatabi sina Miko at Nikki sa eroplano. Walang tigil silang nagkukwentuhan.

"Uy Niks, maghanap ka na ng boyfriend mo pagdating sa Pinas ha? Dapat yung pasado sa standards ko." wika ni Miko kay Nikki

"Kuya naman eh, ayan ka nanaman sa mga standards mo. Kaya nga wala pa akong naging boyfriend buong buhay ko eh dahil sa mga standards mong yan." sagot ni Nikki

"Aba dapat lang yun. Ayoko kase ng basta basta, Okay? Alam mo naman sa panahon ngayon, mahirap na." sabi ni Miko

"Opo kuya. Basta pag may nanliligaw saken, agad ko siyang ipapakilala sayo. O yan, happy ka na?" pacute na sagot ni Nikki, tumango naman dito si Miko

Growing Up (Filipino Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon