*Italicized words means the thoughts of the characters*
Nakalimutan ni Ethan ang kanyang phone kaya kailangan niyang hanapin si Tiffany sa campus. Habang naglalakad siya sa hallway, nakasalubong niya si Xander. Pareho silang tumigil sa paglalakad. Hindi na napigilan ni Ethan ang kanyang emosyon, mabilisan niyang hinablot ang kwelyo(collar) ni Xander at tinulak niya sa dingding. Mabilis naman nitong nakuha ang atensyon ng ibang estudyante.
"Dito ka pa talaga gagawa ng eksena?" sabi ni Xander
"Si Nikki--nakita mo ba kung pano siya umiyak kanina?!" galit na tinanong ni Ethan
"Tss, sa tingin mo may kinalaman ako sa nangyari sa kanya?" tanong ni Xander, sa mga oras na iyon sobrang kalma lang niya
"Anong ibig mong sabihin?" nanggigigil na si Ethan sa kanyang naririnig
"Kung ako man ang may pakana nun, hindi lang yun ang aabutin niya." sagot ni Xander, sa sobrang inis ni Ethan ay nasuntok niya siya. Dumugo ang labi ni Xander.
Biglang dumating sina Ian at Drew sa eksena para paghiwalayin sina Ethan at Xander.
"Ethan. Kung ano man ang nangyari sa kanya, wala akong kinalaman dun." umalis na si Xander matapos niyang binitawan ang mga salitang ito. Pagkaalis ni Xander, nagsi-alisan na rin ang mga nakiki-using estudyante.
"Si Tiffany?" tanong ni Ethan
"May kinuha yata siya sa studio ko?" sagot ni Ian, "Teka par, ano bang nangyari kanina?" tanong niya
"Dahil ba kay Nikei?" sabi ni Drew
"Nikei?" nalito si Ethan...Ah oo, Nikei pala tawag sa kanya ng iba, "Sobra na kasi sila."
"Naaawa na talaga ako sa kanya kasi first day palang iba na trato sa kanya." sabi ni Ian
"Masyado kasi siyang mabait dahil dun kaya nakalimutan ng marami kung sino siya." sabi ni Drew
"Sa tingin niyo may kinalaman si Xander?" tanong ni Ethan
"I don't think so. Nung mga araw na wala ka dito the two of them seem to get along." sagot ni Drew
"I doubt that." komento ni Ethan
"Sounds impossible pero totoo." sabi ni Ian
Pagkapasok ni Tiffany sa studio, naabutan niya ang natutulog na Nikki sa isang rocket-shaped bunk bed. Nakakalat lang ang napakarumi niyang coat sa sahig.
Sinubukan niya siyang gisingin ngunit wala rin, mahirap talaga siyang gisingin. Sumigaw nalang nang malakas si Tiffany in the hope na magising niya ang kaibigan niya. Buti nalang ito'y gumana.
"Ano bang meron ba't ang hirap mong gisingin? You look terrible by the way." sabi ni Tiffany
"Anong balita sa labas?" tanong ni Nikki, bumangon na siya mula sa kama at hinugasan niya ang mukha niya sa sink ilang lakad lang ang layo
"Tulad pa rin ng kanina. People are talking about you like before ang nagtweet nanaman si Selena, 'I'm gonna reveal the truth.' but I don't care." sagot ni Tiffany, "I have spare clothes, hiramin muna kita tsaka may private bathroom si Ian dito dun ka nalang maligo." bilin ni Tiffany
After an hour, natapos na rin maligo si Nikki. Nandoon pa rin si Tiffany, pinrint na lang niya ang mga bagong kuhang photos ni Ian para hindi siya mabore.
"O yan, kasya pala sayo." sabi ni Tiffany, blue and gray geometric sweater at white shorts ang suot suot ni Nikki, "Though more than a year na yang nakatago dito di pa rin siya mukhang luma." dagdag niya
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomanceA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...