*Italicized words means the thoughts of the characters*
Monday. August 03, 2020
Dumating na ang araw na hindi pinakahihintay ni Nikki, ang kanyang unang araw sa Ignatius de Loyola University (IDLU). Naligo't nagbihis na siya sa kanyang uniform na ang disenyo ay red skirt na hanggang three inches above the knee dapat ang pinakamahaba, puting blouse, ribbon na kakulay ng skirt at navy blue na coat. Dahil pwede ang kahit anong klase ng sapatos sa Loyola, nagsuot nalang siya ng black gucci pumps.
"Ya, ano kaya yung sinasabi ni kuya na hierarchy sa Loyola?" tanong ni Nikki
"Ay, ewan ko ba sa inyong mayayaman, kung ano anong naiisip niyo." sagot naman ni Abby
"Siya nga pala, Nikki. Yung sinasabi ko sayong pamangkin ko na nakakuha ng scholarship sa IDLU, pwede ba siyang tumira dito kasama natin?" tanong ni Abby
"Kung babae siya ayus lang ya, ano nga palang name niya?" tanong ni Nikki
"Lyzeth. Pareho pala kayong senior so baka magkaklase kayo. Sinabi ko sa kanya na maghintay siya ng babaeng medyo mahaba at straight ang buhok sa may gate sa ganun eh may kasabay kang papasok." sabi ni Abby
"Um sige. Mas mabuti na yun. Pano pala yung mga gamit niya? Ipadadala nalang ba dito?" tanong ni Nikki
"Ah oo. Siya nga pala, alam na ba ni Tiffany na papasok ka sa IDLU?" tanong naman ni Abby
"Hindi pa eh, Surprise ko nalang yun. Ah sige ya, papasok na 'ko. Bye. Ingat ka dito." paalam ni Nikki, umalis na siya sa kanyang bahay at saka naglakad na papunta sa IDLU
Ayaw na ayaw ni Nikki ang hinahatid siya ng isang private driver kahit saan dahil gusto lamang niya ng simpleng buhay. Hindi rin naman ganun kalayo ang bahay niya sa IDLU kaya ayus na ayus lang sa kanyang maglakad saka para rin naman itong exercise sa kanya.
Nang makarating na siya malapit sa gate, tumigil siya at pinagmasdan niya ang mga magagarang sasakyan na pumapasok sa loob ng gate ng IDLU. "Tss, show off." sabi niya sa kanyang sarili.
Habang pinagmamasdan niya ang mga sasakyan, biglang may kumalbit sa kanyang likuran. Nagulat siya at napatingin sa likod.
"Ay! Sorry kung nagulat ka. Um, ikaw ba si Nikki?" tanong ng babae
"Oo ako nga. Ikaw ba yung Lyzeth?" sagot at tanong naman ni Nikki
"Ah oo. Ako yun, Lizzy nalang. Um, sorry nga pala kung makikitira ako sa bahay mo. Ayoko sana kase nakakahiya, kaso mapilit si tita Abby eh." sabi ni Lizzy
"Ayus lang yun saken. Tara pasok na tayo." wika ni Nikki
"Ah sige. Pero pwedeng samahan mo muna ako sa Dean's office? May isusubmit lang ako." sabi ni Lizzy, sabay na ilang pumasok at pumunta sa Dean's office
Nakapasok na sila sa Dean's office ng IDLU...
"Eto po yung certificate for scholarship grant ko." sabi ni Lizzy, iniabot niya ang envelope sa clerk
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomansaA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...