Ducati 1098

31 0 0
                                        

*Italicized words means the thoughts of the characters*  


"Ethan?" sabi ni Nikki


Hindi makapaniwala si Ethan sa kanyang nakita "Nikki? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ethan na may kasamang ngiti


Si Drew na ang sumagot sa tanong ni Ethan "New kid siya dito. By the way, nakuha mo na ba pinapakuha ko?" tanong ni Drew


"Ha? Ay, syempre naman. Ang dali lang nga eh." Hindi agad nakasagot si Nikki dahil kay Ethan. Ipinakita muna niya sa lahat ang chewbone at tennis ball sa lahat. Nagulat ang lahat. Matapos ay tinapon ni Nikki ang mga ito sa mukha ni Drew. Napatawa naman sina Ian, Lizzy ,Tiffany at Ethan dahil sa naging reaksyon ni Drew.


"Nakakatawa ba?" tanong ni Drew, sa huli ay napatawa na rin siya na medyo may kasamang hiya


"So, schoolmates na pala tayo ngayon. Goodluck." sabi ni Ethan kay Nikki.

Nakatingin lang si Ian sa kanila at may bigla siyang naalala


"Ngayong nakita na kita bro naaalala ko na san ko nakita si Nikki!" sabi ni Ian kay Ethan


"Tss saan nanaman?" tanong naman ni Nikki


"Siya yung babae sa phone mo!" sigaw ni Ian, biglang kinuha ni Ethan ang Begel's doughnut na hawak hawak niya at saka niya sinubo kay Ian para manahimik siya. Napatingin ang buong klase


"Sinong babae sa phone nino?" Pagulat na tanong ni Nikki


"Oh my god. Just like what my boyfie said." Sabi ni Tiffany na may kasamang mabagal na palakpak


Tumawa nalang si Ian habang may doughnut pa sa bibig. "Ian, lunukin mo muna yan. Kadiri." sabi ni Drew


"Walang ibig sabihin yun. Pramis." paliwanag ni Ethan sa lahat.


"O move on na." sabi ni Drew, "Nikki and Lizzy, I officially welcome you to Ignatius de Loyola University. Congratulations." Dagdag ni Drew at sabay palakpak ng klase


"Ay siya nga pala, Drew. Nasan na sa Xander?" tanong ni Ian kay Drew


"Hay...alam mo naman yun. Laging late lalo na pag first day. Darating na siguro yun maya maya." sagot ni Drew kay Ian habang inaayos niya ang kanyang buhok


"O par, buti naman pumayag si madam secretary na ilipat ka ng section." sabi ni Drew


"Makulit ako eh." sagot naman ni Ethan


Eksena sa bahay ni Xander...


Nasa loob lang ng game room si Xander sa mga oras na iyon. Naglalaro lang siya ng iba't ibang rpg game sa xbox pampalipas lang ng oras.

11:45 am na nang magdesisyon siyang umalis na para pumasok sa school. Habang papalabas siya ng mansion ay nakasalubong niya ang kanyang ama, si Paul Fontanilla. Ngunit hindi man niya ito pinansin. Tinawag siya bigla ni Paul..."Alexander. Kamuntik ko nang makalimutan. Your sister said that she'll be returning here in a week. Did she inform you that?" tanong ni Paul

Growing Up (Filipino Novel)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon