*Italicized words means the thoughts of the characters*
"Kumusta ka na?" tanong ni Ethan kay Nikki, umupo siya sa tabi ni Choco
"I'm struggling. Well pati naman si Tiffany pero mas malala yung akin." sagot ni Nikki
"Ano bang nangyari, di ako nagbabasa ng article eh. Di rin naman ako nanonood ng news kaya I know nothing." sabi ni Ethan
"Di ko alam pano ko sisimulan. Basta nagstart after nung debut ni Jessica. Ang daming issues na sumulpot dahil sa outfit namin sa event. Ginawa nila kaming fashion icon na nakakainis." kwento ni Nikki
"Ayaw mo ba na fashion icon ka?" tanong ni Ethan
"Ayoko lang kasi yung maraming tao yung gumagaya sa style ko like ugh. Tapos I get bashers, sabi nila 'inappropriate outfit for someone who's 17', 'bad sense of fashion', 'plastic face' like oh my god di ako nagpaplastic surgery! Wag kasi nila akong tignan! Or like ano bang pake nila sa sinusuot ko!" nilabas ni Nikki ang kanyang sama ng loob ngunit natatawa lang si Ethan sa mga sinasabi niya
"Hayaan mo na sila. Inggit lang sila sayo." sabi ni Ethan
"Last week, sabay kaming lumabas ni Tiffany sa campus tas naghihintay si Sean Perez sa labas. Ininvite niya kaming maglunch and suddenly we're on the net. The day after that di ko alam na naghihintay siya sa labas ng UR(university residences) kasama ng car niya tas bigla nalang niya akong hinila. I tried giving him excuses na may kailangan akong puntahan kaso wala pa rin. This time, ako nalang pati siya ang nasa internet pati news. And then kahapon, andun siya sa may gate nakaupo sa car niya. Pagkalabas ko, kinawayan niya ako pero di ko siya pinansin kase nasa likuran lang ng car niya yung car ni kuya." kwento ni Nikki na may kasamang inis, "Actually, mabait naman siya kaso mapilit lang nga. Yata. Di ko man siya masyadong kilala." dagdag niya
"Next time kapag lalabas ka siguraduhin mong may kasama ka lagi para di ka niya ginugulo. Gusto mo bang turuan siya ng liksyon?" sabi ni Ethan
"Di na. Lagi ko namang kasama sina Lizzy at Tiffany kapag labasan eh. Kaso wala rin, kahit ilang beses akong umayaw. Grabe ang clingy niya! Sobrang nakakainis na!" nilabas niya ulit ang kanyang sama ng loob, "Lagi kong kinukwento kina Tiffany, Ian, Lizzy pati na rin kay Drew mga ginagawa niya, grabe di ko na alam gagawin ko. Binubully pa ko ng ibang students. May lusaw na ice cream nga yung locker ko kanina eh." kwento niya
"Hindi ka naman nila gagalawin kung di dahil kay Xander." sabi ni Ethan
"Hayaan mo na siya. Actually, ang weird nga eh. Nung una wala siyang ginawa kundi pahirapan ako then one day...hindi na." sabi ni Nikki
"Ang dami namang nangyari nung nawala ako. Pano ba niyan? Aalis nanaman niyan ako sa november." sabi ni Ethan, "Wag kang magalala, lagi naman akong nandito para sayo, kahit nasa malayo man ako.", dagdag niya
Matapos ang ilang araw, things are going in Nikki's way. Tatlong araw na niyang hindi nakikita ang pagmumukha ni Sean o ang kanyang presenya at dahil dito ay natuwa siya kahit papano. Hindi lang naman yun ang ikinatutuwa niya, hindi na rin siya masyadong ginagambala ng mga bully sa campus particularly ang mga 'Mean girls' ng IDLU, sina Sabrina, Ina at Kyla pa pinangungunahan ni Kathleen. Noong una'y may respeto pa sila kay Nikki ngunit simula nung nalaman nila na na-zero sila sa group seatwork dahil sa kanya, nagkaroon na sila ng sama ng loob at matinding pagkainis na dulot na rin ng inggit.
Break time at naglalakad lang kung saan saan si Nikki sa campus nang mapansin niya sa di kalayuan ang isang maliit na batang lalaking umiiyak. Mag-isa lamang siya kaya naisip agad ni Nikki na nawawala siya.
BINABASA MO ANG
Growing Up (Filipino Novel)
RomansaA filipino novel that tells readers how people of different classes interact in the same world. This story depicts the friendship, rivalries and love lives of the young. These group of young people attend the same university. This university is home...