Chapter 57

367 30 12
                                    


halos lupaypay akong nagmamaniho ngayon, hindi ko maayos na maaninag ang daan dahil sa luha kong nag babadya at walang humpay sa pag patak, parang sumikip ang dibdib ko sa ginawa niya, for me it's okay if he hides from me that his ex girlfriend is Nicky, okay lang sa akin kahit habang buhay niyang hindi sabihin sa akin kung sino ang ex niya noon, pero ang hindi okay is the one he didn't trust me, hindi niya inisip na magagawa ko ba lahat ng binibintang niya sa akin.. at ang masakit pa don ay yung siya ang gumawa sa binibintang niya sa akin na kahit kailanman hindi  ko kayang magagawa sa kanya

bakit ganon? parang naiisip ko na wala siyang tiwala sa akin, the best proof of love is trust.. pero bakit wala kaming ganon? mahal namin ang isa't isa pero nakakaya parin itong masira, mahal lang niya ako pero wala siyang tiwala sa akin lalo na sa sarili niya, galit ako sa sarili ko. sobrang galit na galit. kasi binigay ko na naman yung buong pagmamahal ko sa isang tao. galit ako kasi wasak na wasak ako ngayon. galit ako kasi wala na akong  tinirang pagmamahal sa sarili ko. galit ako kasi nag mahal ako. pero yun ang ginusto ko nag mahal ako ng sobra at sumugal ako sa tamang tao pero sa maling panahon at sa maling sitwasyon.

natigil ako sa pag-iisip ko ng biglang may tumawag sa cellphone ko, ayokong sumagot ng mga tawag ngayon pero naiinis ako dahil sa sobrang ingay




"Hello?" may bahid na inis sa tono ko habang may tumutulong luha sa mga mata ko



(Miss Rita? si Mr. Miller to yung PI) sagot niya at doon ko lang naisip na pinapahanap ko pala ang walang kwentang babae na dumating sa buhay ko



"Bakit?" walang buhay kong tanong sa kanya habang nag mamaniho




"Good news na hanap na namin si--



"Ititigil ko na ang paghahanap ko sa kanya kaya itigil mo narin" sabad ko dahil wala ng saysay para ipahanap ko siya kasi wala siyang kwenta, I hate her! at simula ngayon isa na lang siyang estranghero para sa akin



(Pero pinaghir--) hindi ko  na siya pinatapos pa dahil pagod na akong makinig sa pangalan ng babaeng yun



napatingin ako sa langit ng biglang bumuhos ang malakas na ulan, mas lalo kong binilisan ang pagmamaniho ko dahil nakaramdam na ako ng sobrang pagod at sobrang sakit na ng mga mata ko dahil sa kakaiyak.. ayoko muna siyang isipan kasi sa tuwing naiisip ko siya naiiyak ako.


pinarada ko ang kotse ko sa parking lot nitong condominium na tinutuloyan ko, kinuha ko muna ang payong ko sa backseat at lumabas ng kotse halos magulantang ako sa nakita ko



hindi ko na lang siyang pinansin pa at nag madaling nag lakad pa pasok sa condominium pero agad din niya akong na pigilan


"Ta?" pumiyok ang kanyang boses kahit simpleng salita lang ang kanyang sinabi at basang-basa na siya sa ulan


"Umuwi ka na Ken" aniko pero umiling lang siya, kitang kita ko ang mga luha niyang sinasabayan sa pag buhos ng ulan


"Hindi ko k--ayang umuwi ng hindi tayo nag kaka--ayos"



"At umaasa kang magkakaayos tayo huh? malabong mangyari yun Ken" hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko rin yung binawi



"Rita hayaan mo akong mag explain" bumuntong hininga ako at tinignan siya ng seryoso kahit gusto ko ng umiyak tinitiis ko lang kasi nakakapagod na'tong sitwasyon namin


Always and Forever Where stories live. Discover now