matapos ang kunting usapan namin ni Nurse Kara at Doc Lenard ay pumunta na ako sa elevator kung saan ang pakay ko ang pinagtataka ko lang bakit napakatago ng office ni Doc Vincent kumpara sa ibang office ng mga doctor at napapansin ko rin ni isang pasyente ay wala pa akong nakikitang pumasok dito bukod sa akin
napatigil lang ako sa pag-iisip ng bumukas ang elevator nag pasya na lang akong wag intindihin ang mga iniisip ko, marahil ikakasama pa ito sa kalagayan ko
"Good thing at nandito kana Mr Chan" bungad sa akin Doc Vincent ng maka pasok ako sa office niya
"It's good that you're here Ken I thought you'd be stubborn again" nakangiting bungad din sa akin ni Nicky na siyang nag papasira ng magandang araw ko
I sat in the swivel chair just in front of Doc Vincent"So when will you start operating on me?" seryosong tanong ko sa kanya, dahilan para mag tinginan sila ni Nicky
"Hinay-hinay lang sa mga tanong Ken, for my answer to your question I will not operate on you first" nanaman? Ano bang problema at ayaw pa niya akong operahan?
"Bakit?" naiinis kong tanong sa kanya
"Kailangan mo munang eh take ang mga gamot na binibigay ko sa'yo, at yung mga pagkaing nakalagay sa mga listahan"
"I take medicine every day, I follow everything on the list you gave me, Ano pa ba ang kulang para dumaan na ako surgeon?" natahimik lang si Doc Vincent sa sinabi ko at makahulugang tumingin kay Nicky
"Ahmmm... Ken siguro mag pahinga ka muna, palamigin mo muna ang ulo mo bago kayo mag usap ni Tito" singit ni Nicky para tingnan ko siya
"Alam niyo nag aaksaya lang ako ng oras dito, uuwi na lang ako sa Pilipinas baka mapagaling pa ako ng mga doctor doon!" aniko at padabog na lumabas ng office, hindi ko pinakinggan ang tawag nila pansin ko pang hinabol ako ni Nicky pero hindi ako nag patinag
"Ken!"
"Teka nga!"
nahawakan ako ni Nicky dahilan para mapahinto ako, pumunta siya sa harap ko ng pawis na pawis at hingal na hingal
"Hayss.. Kausapin mo naman ako kahit ngayong araw lang" hingal niyang pahayag sa akin
hindi ako nag salita at hinintay ang sasabihin niya
"don't be rude to my uncle I know you have a hard time with how you feel but think of how my uncle feels too, hindi lang ikaw ang nahihirapan sa sitwasyon mo, alam mo ba na sa tuwing binabastos mo ang Tito ko ay nasasaktan din siya sa tuwing kinikwestiyon mo ang desisyon niya ay napapaisip din siya na hindi nga siya magaling na doctor, Ken please alam kong galit ka sa akin alam kong wala ka nang tiwala sa akin, pero kay Tito? trust him he will not be a doctor if he is uneducated, what is the use of being a doctor if you don't trust him, sa ginagawa mong yan baka mas lalong lalala ang sakit mo kase kahit yung sariling doctor mo ay pasuko na kase sumusuko na yung pasyente niya"
hindi ko alam kung dapat ko bang pagkatiwalaan si Nicky she cheated on me before and I don't want to be fooled again at inaamin ko may punto si Nicky hindi lang ako ang naghihirap dito kundi ang doctor ko rin at wala rin akong karapatang kwestiyonin ang desisyon ng isang Doctor ika nga nila..
'God cannot be everywhere, So he sent the DOCTORS with excellence and selflessness.'
At totoo naman yun napatingin ako dito sa kaharap ko at nag salita "Mauna na ako"