Rita's POV
andito kami ngayon ni Faye sa labas ng condominium hinihintay si Lenard at yung baby ko, 6 am na kaya dumito na Kami agad ni Faye sa labas para ready na Kami kung sakali mang darating na ang dalawang boys, si Lenard pumunta muna sa bahay nila para kumuha ng gamit kasi ngayon lang siya pinahintulotan ni Faye na sumama papuntang Russia, si Ken naman pumunta muna kay Sir Jason para ipagpaalam ako hindi ko batid kong bakit siya pa ang gumagawa sa bagay na yun iniisip ko na baka mag connection ang dalawang yun, aish. kakausapin ko na lang si Ken sa bagay na yun
"Baks excited na akong makapunta sa concert ni Ed Sheeran" nilingon ko si Faye sa giliran ko at doon ko nakita na parang iiyak siya I can't blame her because we both admire Teddy kaya alam ko ang nararamdaman niya simula pa nung college pa kaming dalawa ni Faye we are so crazy about Ed Sheeran because of the beautiful songs he wrote and sang
"Ako din hindi na ako makakapaghintay pa" kahapon hindi ko inasahan na sa isang iglap lang makikita ko na si Ed Sheeran, pero hindi pa ako nakakasiguro baka pag balik ni Ken dito hindi pala ako pinayagan ni Sir Jason
napatingin kami pareho sa dalawang kotse na dumating kilala ko na kung kanino ang mga kotseng to kung sabay silang dumating sabay din silang bumaba ang ganda tuloy tignan muka silang mayayaman na dapat talagang tinitingala, ngumiti ako dahil sa nakangiting lalaki na papunta sa gawi ko
"Kanina pa kayo dito sa labas?" Ken asked me at kinuha niya sa mga kamay ko ang bags pati narin maleta ko
"Hindi naman, kamusta yung lakad mo? anong sabi ni Sir Jason? pumayag ba?" he just laughed a little because of my direct questioning "Ano na Ken?" aniko at marahan ko siyang hinampas
"as I said I'll take care of it, yes baby Ta your boss agreed" nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya ito na talaga yun makakapunta na akong Russia hintayin mo lang ako Teddy!
"Thank you Ken ang saya ko ngayon" maluha-luha kong sabi sa kanya, lagi na lang niya akong pinapasaya at lagi rin siyang may ginagawa para sa akin hindi na ako makakapaghintay pang sagutin siya
"don't cry baby Ta just a little while and you will see the person you admire" he stroked my hair and gently kissed me on the forehead"Pasok na tayo sa kotse baka maiwan pa tayo sa flight natin" he said and held my hand then he intertwined it habang hawak naman ng kabilang kamay niya ang mga gamit ko ang sweet niya talaga kaya napangiti ako not until ng marinig ko ang bangayan ng dalawa sa likod namin
"Bitbitin mo na kasi!" sita ni Faye kay Lenard
"May kamay ka naman Faye kaya ikaw na magdala niyan, ilalagay mo lang naman yan sa kotse" sagot naman ni Lenard hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganito para kasing nag-iisip na sila na parang Bata pero ang cute nilang tignan
"Tignan mo nga si Ken! siya nagdadala ng mga gamit ni Tata tapos ikaw hahayaan mo lang akong maghirap dito ang sama mo talagang boyfriend!" nagulat kami sa sinabi ni Faye, boyfriend? so sila na pala, gaga talaga tong babae na'to hindi man lang nagsabi sa akin tungkol sa naging buhay niya
"Okay. sige na prinsesa ako na magdadala ng gamit mo" saad ni Lenard at aktong kukunin na niya ang bagahe ni Faye nang ilayo niya ito kay Lenard
"Wag na! mukang napipilitan ka lang naman eh! kaya ako na magdadala!" singhal ni Faye at mabilis niya kaming iniwan at pumasok ito sa kotse ni Lenard