Here begins the journey..
Rita's POV
Exhale.. Inhale
Exhale.. Inhale
Exhale.. Inhale
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng sobra I couldn't control my own sweating and trembling because of the nervousness I was feeling. This is the day.. Ito na yung araw na pinakahihintay ko sa buong buhay ko.. I feel exhausted, excited, maybe a little drunk on emotion, and, most of all, adrenaline-high!! kanina pa ako naiiyak dito sa room ko, yung make-up ko feeling ko sira na dahil sa pawis at sa mga nag babadyang luha ko, ang dami kong pinagdaraanan bago ako ma punta sa sitwasyong 'to kung paano ko hinanda ang sarili ko, yung mga tao sa paligid ko, yung mga preparation, at lalo na ang kasal ko I did a lot of things for my wedding on the other hand I didn't feel tired kahit na pawis ko'y tumutulo na parang ulan and I think the reason why I didn't feel tired because I'm doing this for my fiance. I'm doing this beacuse I love him so much at ganon din naman siya sa akin we didn't feel tired kasi mahal namin ang isa't-isa. Ito, sa akin, ang pinakamagandang bahagi ng pagpaplano ng kasal, the stress washes away, para akong aligaga na dapat maayos ang kasal ko kahit may nag-aasikaso naman.. I want my wedding memorable and full of love..
"Baks okay ka lang? tignan mo yang noo mo puro pawis na" napatingin ako kay Faye na sobrang maalaga sa akin ngayon, anyways I'm so happy and I'm not getting tired of saying this. I'm happy kasi andito si Faye ngayon sa tabi ko, she's been my sister and best friend simula bata pa lang kami, we promise each other na walang iwanan and we stand for it. Hindi niya ako iniwan at hindi ko rin siya iiwan, ako na siguro ang pinaka ma swerteng babae kasi nagkaroon ako ng kaibigang kagaya ni Faye
"Hindi ko ma explain ang nararamdaman ko Faye" sagot ko nang matapos ako sa pag-iisip, I heard her chuckle saka niya pinunasan ang pawis sa noo ko
"You can do it girl. This is your day. At nandito lang ako para sa'yo" aniya at niyakap ano sa leeg, ngumiti lang ako at kita ko naman ang sariling repleksyon namin sa salamin
"Thank you Faye" I let out a deep breath and smiled, humiwalay na siya sa akin at buhok ko naman ang inayos niya
"Kung sakaling tatakbo ka mamaya sa loob ng simbahan andito lang ako para sabayan kang tumakb---
"Faye!! ang sama mo" tumawa siya at bahagyang niyugyog ang balikat ko
"I'm just calming you down kasi naman nanginginig ka na diyan" aniya.. Hindi na nga siguro ako kakalma sa lagay na'to, ganito ba talaga pag ikakasal ka?
"Excuse me?" kapwa napatingin kami ni Faye sa pintoan nang may pumasok, the organizer of my wedding "Yung mga bridesmaids and maid of honor pwede ng lumabas para mag ready na sa church" pag-papaalam niya.. wala na mang ibang tao dito kundi kami lang ni Faye, since maid of honor ko si Faye kailangan na niyang lumabas
"Oh baks lalabas na ako huh?" tumango lang ako at nag beso sa kanya "Kaya mo yan. nag mahal ka kaya harapin mo 'to" huling sinabi niya at umalis na sa harapan ko at naiwan na lang kami ngayon ng organizer