Rita's POV
pawis na pawis at seryosong nag bibilang ng mga libro dito sa office ko pagod na pagod at hindi na alam kung ano ang itsura nito halos na gugusot na ang damit dahil sa kakamadali
yan ang itsura ko ngayon kahit si Sir Jason hindi ko na kilala para kaming mga batang walang magulang na pa daan-daan lang sa kalye at nanlilimos
halos mapudpod na yung mga kuko at na ngangalay na ang mga kamay sa kakasulat at may signing pa bukas hindi ko alam kung malalagpasan ko ba ang dalawang araw na'to
"Hahay" napatingin ako kay Sir Jason na nag uunat at sinabayan pa ito ng hikab "Kunti na lang at malapit na akong matapos dito, ikaw Dani?" dagdag niya pa matapos ang kanyang ginagawang pag hikab
napatingin ako sa mga libro ko halos himatayin ako dahil sa dami pa nito, hindi kagaya kay Sir Jason na halos limang bilang na lang
"Pagod na ako Sir" malumanay kong usal sa kanya na matalim ang tingin sa akin, kung tutuusin mas madami ang librong binibilang at sinusulatan ko kumpara sa kanya
"you can do that with just a little patience" aniya at bumalik sa kanyang ginagawa, gaya ng sinabi niya kahit pagod na at hindi na kaya ng katawan ko ay nag patuloy parin ako sa trabaho
matapos ang isang oras at kalahati siguro ay natapos din kami, sobrang saya ko kase natapos din namin ang totoo niyan si Sir na lahat ng gumawa kase pagod na ako sinabi ko sa kanya na okay lang pero hindi siya nag papigil kase sabi niya 'Ayokong mawala ang meron ako ngayon' diba parang baliw? hindi ko maintindihan minsan si Sir Jason lalo na sa mga sinasabi niya kase sa tuwing kinakausap niya ako parang meron siyang ibang tao na tinutukoy
"I am tired of this work" aniya at sumandal sa wall, sa itsura pa lang ni Sir sobrang pagod na talaga siya naalala ko tuloy si Ken sa kanya
Ano ba tong inisip ko?
"Sabi ko naman kase sa inyo ako na lang, hindi naman kayo nakinig" aniko at inabot sa kanya ang mineral water na kasama sa pagkaing inorder niya kanina
"Thanks" sabi niya ng tanggapin niya ang tubig na inabot ko "You know, we have to hurry so that your books can be placed in book stores, alam mo namang maraming authors ngayon ang nag rerelease ng mga books" dahil sa sinabi niya ay nag madali akong tumayo at inayos ang sarili mahirap na baka mawalan kami ng pwesto, sure akong nag hihintay ngayon ang mga readers ko
napatingin ako sa mga librong maayos na at nasa tamang bilang na sila hindi kagaya dati na parang basurang nakatambak lang
"Pero paano tong mga libro? kaya pa ba natin yang buhatin palabas ng building?" taka kong tanong kay Sir na ngayon ay nag susuklay ng buhok at inaayos ang damit
"I called people to carry the books out of the building, at para ma deliver sa mga book stores" seryoso niyang suhistyon at humarap sa akin "Lumabas na lang tayo Dani at sa mall na natin hintayin ang mga libro mo, para makausap mo rin yung mga readers mo doon"
nauna na siyang lumabas ng office ko kase kukunin ko pa ang bag ko at mag ayos ng sarili, mabilis lang naman ang naging kilos ko nag lagay lang ako ng kunting makeup at tinanggal ang tali ng buhok ko tapos inayos ko rin yung damit ko at lumabas na ng office
nag text sa akin si Sir Jason at nauna na daw siyang pumunta sa mall, pumunta na ako sa kotse ko at nag maniho patungo sa mall
Fortunately, there is no traffic now so I quickly got to where I was going kaya lang nung makarating ako sa mall marami ng mga taong nag kukumpulan at parang badtrip na