Chapter 47

731 25 13
                                    



!!SPG WARNING!!
Not suitable for sensitive
minds this chapter is a work of
fiction, names and character's
are the product of authors
imagination
!!KATHANG ISIP LAMANG!!




__________

"Yeyyy!! congrats Tata at Ken!!!" napatingin kami pareho ni Ken nang biglang sumigaw si Faye at doon ko lang na pag tanto na ang dami palang naka harap na camera sa amin

tumingin ako kay Ken na may pag-aalalang mukha "Okay lang ba sa'yo na naka public ang relasyon natin? I mean artista ka sikat ka at marami kang fans baka magal---

"It's okay with me Ta, ito nga yung gusto ko na malaman ng lahat ng tao na sa'yo lang ako at ikaw ay akin" saad nito na nag papangiti sa akin hinawakan niya ang kamay ko ng sobrang higpit pero hindi naman ako naka ramdam ng pananakit "Thank you for saying yes kahit hindi naging maayos yung panliligaw ko sa'yo"

hinawakan ko rin ang kabilang kamay niya at tumingin sa mga mata niya"You don't have to say thank you, if you think your courtship with me is not good nagkakamali ka kasi nung palaging kang andiyan sa akin at palagi mo rin akong pinapasaya that means a lot to me at masaya ako tuwing kasama kita" I can't believed na ngayong gabi magiging totoo ang relasyon namin walang pag papanggap, puro katotohanan lang yung malaya kaming magmahalan sa isa't isa

"Mag papasalamat parin ako sa'yo kasi pinagkatiwalaan mo ako at pinasaya mo rin ako every single day" aniya at hinalikan ako sa ilong "I love you Ta"

"Mahal din kita"  I sincerely told him

Hanggang ngayon nasasarapan parin ako tuwing sinasabi ko sa kanya ang salitang yun, yung parang sobrang gaan sa loob mo at kapag sinasabi ko yun nawawala lahat ng problema ko sa buhay

"Ayan may label na ang juice hahahaha" rinig kong pang-aasar ni Lenard at Faye, tumingin ako sa kanila ng masama at nag peace sign naman ang dalawa

lumapit ang dalawa sa amin ng naka ngiti"Seriously Ken and Rita congrats sa inyo masaya ako para sa inyo, kasal na lang hihintayin namin" pahayag ni Lenard at tinapik ang balikat ni Ken

"Baks? congrats sobrang saya ko ngayong araw na'to" naiiyak na ani ni Faye at yumakap sa akin sinagot ko naman ang mahigpit niyang yakap sa akin at marahan akong ngumiti

"Tapos na yung concert uwi na tayo" mabilis kaming bumitaw ni Faye sa yakapan namin nang sabihin yun ni Lenard, tumingin ako sa stage at doon ko huling nakita si Ed Sheeran na kumakaway sa amin at pumasok na ito ng backstage, bye Ed Sheeran naniniwala akong magkikita pa tayo ulit.

nakakalungkot din pala kapag natapos na yung concert pero ayos lang sa akin masaya naman ako kasi kasama ko sila Faye at sa nangyari kanina"It's sad to think that the concert is over but we need to go home"  malumanay na suhistyon ni Faye


"Yeah. Tama si Faye, umuwi na tayo medyo malalim narin yung gabi" hinawakan ni Ken ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya sa halip na magsalita siya ay kumindat lamang ito sa akin

Always and Forever Where stories live. Discover now