Chapter 38

418 38 18
                                    





hindi ko batid kung ano ang maaari kong mararamdaman ngayon, natatakot ako dahil sa presensyang meron si Ken ngayon,  sa loob ng ilang panahon na magkasama kami ngayon ko lang nakita si Ken na ganito ka galit, nanggagalaiti, nanggigigil na parang gusto na niyang  pumatay ng tao,  hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko ay nakatunganga lang ako habang tinitingnan si Ken na panay ang suntok kay Kevin





akala ko nung una titigil na siya sa pagsusuntok kay Kevin pero nagkamali ako, walang humpay ang dugo sa mukha ni Kevin ngayon dahil sa natatamo niyang mga masasakit na suntok galing kay Ken, kaya wala akong magawa dahil sa takot ko kay Ken, sinigawan niya ako dahil sa galit niya at wala na akong ibang magagawa doon dahil bumalik na naman yung mga ginawa sa akin ni Daddy noon, sa bawat sigaw niya sa akin kanina ay para akong bumalik sa nakaraan ko na pilit kong nililimutan, alam kong galit siya sa akin ngayon dahil sa nadatnan niyang magkasama kami ni Kevin at sinaktan ako nito, serysoso si Ken sa akin kaya naiintindihan ko kung bakit siya galit na galit ngayon, ayaw niya akong masaktan o sinasaktan ng ibang tao kaya niya ito nagagawa, pero hindi ko lubos maisip kung bakit niya ako sinigawan kanina, sa ngayon palang ay natatakot na akong humarap kay Ken, paano pa kaya kung malalaman niyang hinalikan ako ni Kevin?





nabalik ako sa realidad nang may mga tao ng lumapit sa amin, pumunta sila sa gawi nila Ken at Kevin, mabilis ang naging kilos ng mga tao at pinigilan nila si Ken sa pagsusuntok kay Kevin na ngayon ay wala ng malay, para akong nanonood lang ng isang show dito sobrang tanga ko lang kasi ni isa man lang ay wala akong nagawa para awatin si Ken, pinangunahan ako ng takot ko kaya hindi ko nagawa ang isang bagay na naka pagpabuti sa sitwasyon





"Sir Ken tama na po, baka mapatay niyo po ang tao" rinig kong pag-aawat ng isang lalaki sa baby ko, ilang Segundo din ay tumigil na si Ken at tumayo ito na para bang walang nangyari, inayos niya ang kanyang gusot na damit at tumingin gamit ang matatalim niyang tingin  sa taong umawat sa kanya




"Talagang papatayin ko yang tao na yan!" galit na galit niyang sigaw sa isang lalaki, napapikit ako ng mariin dahil sa tensyong meron si Ken ngayon, ayokong makita na ganito si Ken. Bakit ba kasi humantong kami sa ganitong sitwasyon?





"Sir kung may galit po kayo sa taong to, pwede naman po nating pag-usapan ng maayos hindi ho dapat tayo nagkakasakitan,  kami na po ang bahala sa kanya" mahinahong pahayag ng lalaki pero ramdam ko ang takot sa boses niya, ganon na ba talaga ka galit si Ken dahilan para matakot din ang ibang tao?




"Siguraduhin niyo lang, dahil kung hindi kayo mismo ang babanggain ko" mahinahong sabi ni Ken na may pagbabanta sa mga tao, para akong binuhusan ng mainit na tubig nang tumingin sa akin si Ken na may matatalim na tingin, halos maririnig ko ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba at takot. lumapit ito sa akin at napatingin ako sa magkabilang kamay niya na may dugo





pilit kong nilalabanan ang mga titig niya sa akin, titig na parang gusto na niya akong patayin but knowing him hindi niya yun magagawa sa akin, I heard the footsteps of his feet towards me, I could not quite imagine how I wanted to feel right now





help me God!




"Pumasok ka sa kotse" walang buhay niyang sabi sa akin, napatingin ako sa giliran ko,  dahil sa kakaisip ko na maaari kong gawin kay Ken ay hindi ko napansin na andito pala ang kotse niya "Sinabing pumasok ka sa kotse!" napaulirat ako dahil sa sigaw niya na naman, wala sa sariling nagmadali akong tumungo sa kotse at pumasok, bakit ba siya nagiging ganyan sa akin? ako na nga itong nasaktan ako pa papagalitan niya






Always and Forever Where stories live. Discover now