Happy Birthday!🎉✨ May this day be so happy that smile never fades away from your face! choy_chow labyu❤
_____________
Rita's POV
nakakainis, sobrang sama niya, nanggigigil ako sa kanya sarap niyang suntukin, sarap niyang eh pa opera kay Faye na walang anesthesia, hindi ko alam kung bakit ako naiinis, It's just a kiss, wala lang naman yun hindi ba? pero nag lapat parin yung mga labi nila eh! kahit matagal na yun mananatiling alala parin yun kay Ken, para akong baliw dito sa kwarto nanonood ng commercial ng pizza tapos naiinis, Arghh!!
Pero aaminin ko, nakaramdam ako saya kanina kasi iniisip niya namagagalit ako kapag napanood yun, talagang alam na niya kung paano ako magagalit at magselos, selos? nagseselos ba ako? tss.. Asa siya! biglang sumagi sa isip ko ang nangyari kaninang madaling araw, Hindi ko lubos maisip na magagawa ko yun ang lumuhod sa isang tao at humingi ng tawad, kasi simula nung namatay si Mommy sinubukan kong maging seryoso sa buhay, wag masyadong mabait at matutong maging malakas sa harap ng ibang tao, pero nung dumating si Ken sa buhay ko parang nag bago lahat, bumalik yung dating Rita na 19 year old, yung mapagkumbaba na Rita yung palaging nakangiti na Rita at yung Rita na umiibig sa isang lalaki
nung ginawa ko yun kanina para akong nabunutan ng tinik sa loob dahil nailabas ko lahat ng sama ng loob ko at yung sakit na nararamdaman ko, inaamin ko hindi ko kaya na hindi kami nag uusap ni Ken yung hindi kami Okay, ayokong mawala na naman ulit siya sa akin ayokong magiging mag-isa ulit, si Ken lang ang nagpapasaya sa akin at si Ken lang din ang totoong nagmamahal sa akin bukod kay Faye, kaya ayokong mawala silang dalawa sa buhay ko lalo na si Ken, kaya gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti naming dalawa kahit kamatayan pa yan hindi ako mawawala sa tabi ni Ken kasi dalawa kaming lalaban
bakit umabot yung pag-iisip ko sa kamatayan? Aish, kung ano-ano na namang ang pumapasok sa isip k---
napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas ito, at doon ko nakita si Ken na nag s-strum ng guitara, Ano naman kaya ang gagawin niya?
I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me🎶♩umpisa niya sa pagkanta, humarap siya sa akin nang nakapikit ang kanyang mga mata at sumilay sa kanya ang isang mapalad na ngiti, I can't stop smiling either because I feel like butterflies are coming out of my stomach
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine🎵💕Ang pag-awit niya ay isang paraan ng pagtakas. Ibang mundo ito at Wala na ako sa mundo dahil sa bawat kanta niya para akong dinadala sa ibang planeta kung saan kami lang dalawa ang naroroon, Ang isang kanta ay maaaring higit pa sa mga salita at musika ... kapag inaawit ng kaluluwa ang isang kanta ay dinadala ka sa ibang mundo, sa isang lugar kung saan gaano man kasakit ang nararamdaman mo, hindi ka kailanman nag-iisa kasi nandon ang taong nais mong makasama panghabang buhay man
sinadya kong alisin ang mga matatamis na ngiti sa labi ko nang humarap siya sa at tumingin sa akin gamit ang mga mapupungay niyang mga mata, he approached me while still losing his sweet smile as he continued to strat the guitar lumuhod siya sa harapan ko at tinaas baba niya ang kanyang kilay at pumikit muli