"Okay so I've finished the scenarios I want Zanedelss you just take care of the scripts and what they can do, as long as I plan the scenario I want" malinaw na paliwanag sa akin ni Direct, kanina pa kami dito sa meeting room buti na lang at natapos din hindi ko na kayang tiisin ang pag mumukha nitong nasa harapan ko, ang yabang talaga niya akalain mo yun nakipag palit siya ng pwesto kay Miss. Charlotte para lang inisin ako at titigan ng nakakaloko bwisit talaga siya"Ahm.. Yes po Direct makakaasa po kayo" nakangiti kong sagot kay Direct kahit naiinis ako dito sa presensya ng kaharap ko
"Good, before we finish what we are going to do and go home, let's just wait for the food I ordered so that our stomachs will be full as you are tired and hungry" nakangiting sabi sa amin ni Direct, lumiwanag naman ang mga mukha ng mga taong kasama ko dito sa meeting room, maliban sa isa dito mukang hindi naman talaga to tao
"Hay, salamat gutom narin ako Direct" malapad ang ngiti ni EA at hinagod hagod ang tiyan niya gutom talaga siya
habang nag hihintay kami sa pagkaing inorder ni Direk, may kanya-kanyang na mang pinagkakaabalahan ang mga tao dito sa meeting room, yung iba nag papaalam muna dahil may gagawin sila pero babalik din daw sila, halos kaming lima na lang ang natira dito sa loob, si Arra,EA, at si Direk tsaka ako, hindi ko na binilang tong nasa harap ko hindi naman to tao
"Comfort Room lang ako" magalang na pag paalam ni Arra sa amin, at nag tungo na sa pintoan at lumabas
"Bakit ba ang tagal ng pagkain?" naiinip na tanong ni Direk, kahit ako naiinis na rin dahil sa tagal gaya nong nangyari sa bar pero tinitiis ko lang dahil meron akong kasama dito na nakakaangat sa akin at respetado maliban sa isa diyan na nasa harap ko, bakit ko ba lage siyang iniisip? pakialam ko sa kanya?"Teka, check ko lang sa baba baka nandon na iyon, gutom na ako" kalmadong paalam sa amin ni Direk pero halata namang naiinis siya, nung makaalis na si Direk naging tahimik lang kaming tatlo dito sa loob tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko
"So Zanedelss are you married yet?" na palingon ako kay EA siya ang bumasag sa katahimikan namin, anong klaseng tanong yan? masyado na ba akong matanda? gosh 24 pa lang ako
"No I'm not" pailing kong sagot sa kanya ngumiti naman siya ng bahagya sa sagot ko
"Ahh, siguro boyfriend?" seryoso niyang tanong sa akin, tss.. wala sa isip ko ang mga iyan, tsaka bakit niya ba tinatanong ang mga bagay na iyan?
"Wala rin" mas lalo siyang napangiti sa sagot ko, anong problema niya? na palingon ako sa harapan ko, nakita ko si Ken na naka titig lang kay EA parang naiinis siya kay EA
"So single ka pala" pa tango-tango niyang sabi sa akin at ngumiti, na palingon siya kay Ken na nasa kanan lang niya, napansin niyang kunotnoo itong naka titig sa kanya kaya kumunot din ang noo ni EA
"why do you look at me like that is there a problem?" mahinahon na tanong ni EA pero halata naman sa mukha niya ang inis, na para bang may namamagitan sa kanilang dalawa ni Ken
"Huwag mo ng gawin ulit, Are you not satisfied yet?" naiinis na sagot ni Ken kay EA hindi ko alam pero parang nakakatakot yung ekspresyon ni Ken ngayon
"why? what is wrong if I do? tsaka anong ulit? bakit pag mamayari mo ba siya?" hindi ko maintindihan ang mga pinag sasasabi nila, pero halata sa mga mukha nila na paranag may nakaraan sila
"I can no longer answer your question Because she is really mine" seryosong sagot ni Ken hindi ko alam kung sino yung tinutukoy nila, bakit ba ako nakikinig sa usapan nila? pero meron talagang humihila sa akin na dapat kong pakinggan ang usapan nila