Rita's POV
Andito ako ngayon sa condo ko, Naiinis ako dahil kay Ken! bwisit siya! sobrang nakakainis siya! nang gigigil ako sa kanya, sino bang hindi maiinis sa kanya? eh halos nag muka akong hangin kapag kasama ko siya, ayaw niya akong pansinin o kausapin man lang but with all my annoyance with him I also felt scared 'cause I remembered what he did to me before hindi ko nga alam kung anong nangyari sa kanya at bigla-bigla na lang hindi ako kinausap, hindi niya ako kinausap ng dalawang araw sobrang nakakapagtaka eh okay naman kami nung nagkita kami sa grocery kumain pa nga kami nun
nag-aalala na ako sa kanya, pero iniintindi ko naman kung bakit siya naging ganon sa akin marahil busy lang ito sa kanyang trabaho kaya nawawalan na din siya ng oras sa akin , iniisip ko tuloy kung may nagawa akong hindi maganda, baka may mali akong nagawa ng hindi ko man lang alam kung ano yun
"Ta!" narinig ko ang boses ni Faye sa baba kaya tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama at lumabas ng kwarto, habang pababa ako ng hagdan ay naririnig ko ang iba pang mga boses "ay ayan na si Rita!" bungad sa akin ni Faye nang mapansin niya ang presensya ko
napukaw ang tingin ko kay Ken na naka kunot ang noo habang naka upo sa sofa, ano na naman kaya ang problema nito? lumapit ako kay Faye at Lenard na nag pe-prepare ng snacks "Anong meron?" tanong ko nang maka lapit ako sa gawi nila
"Faye wants the four of us to bond kasi ilang araw na lang din ay malapit na mag papasko" sagot ni Lenard habang nag titimpla ng juice "At alam mo naman Rita, medyo busy yan sa hospital" dagdag niya sa sasabihin, hinarap ako ni Faye nang may pagtatakang ekspresyon
"Bakit parang may something sa inyo ni Ken ngayon, nag away ba kayo?" hindi ko din alam, sadyang may saltik lang talaga ang lalaking yan bigla-bigla na lang hindi namamansin
"Hindi ko alam Faye he has been ignoring me for two days" aniko at tumingin kay Ken na naka kunot parin ang noo habang nanonood ng TV
"Baka naman may nagawa kang hindi maganda?" hindi kumbinsido niyang tanong, umiling ako bilang pagsagot "Kung ganon, baka stress lang sa trabaho" Faye has a point that Ken might just be stressed at work, tapos baka nag tatampo din siya sa akin kasi nawawalan din ako ng oras para sa kanya 'cause all I did was work.
"Nako Rita lambing mo lang kailangan niyan" natatawang pang hihirit ni Lenard at natawa naman kami pareho, paano ko naman siya lalambingin eh hindi nga ako pinapansin"Seriously, kausapin mo na lang" tumango na lang ako sa suhistyon ni Lenard, tinapik ni Faye ang balikat ko bago ako tumalikod sa kanila I went to Ken at tinabihan ko siya sa sofa
"K-ken?" tawag ko sa atensyon niya pero umaakto lang ito na parang walang naririnig"Ken?" tawag ko ulit sa kanya, at kunting-kunti na lang nagsisimula na akong mainis
"Kausapin mo naman ako oh" pagmamaktol ko pero ayaw parin niya akong harapin, dati kapag tinatawag ko siya sinasagot naman niya agad"Ano bang problema mo? pwede mo namang sabihin sa akin"
kinuha ko ang remote na nasa kamay niya at pinatay ko ang TV dahilan para harapin na niya ako "tell me what your problem is baka makatulong ako" kinuha lang niya ulit ang remote na hawak ko at binigyan niya ulit ng buhay ang TV
"Ken? ano ba? kausapin mo na ako!" sinabunot ko ang buhok niya at iniharap ko ang mukha niya sa akin "Talk to me." mabilis niyang hinawakan ang kamay ko na naka hawak sa buhok niya at winakli ito