Ken's POV
"Tan*ina Nicky! umayos ka nga ang bigat mo!" galit na suhistyon ko kay Nicky habang buhat siya
"Mmm.. K-ken" bulong niyang sabi sa akin
I don't know why I'm still here with this woman! maling sinamahan ko siya dito, matapos naming mamasyal nakiusap siya sa akin na pumunta ng bar kase may kakausapin daw siyang kaibigan, nag CR lang ako pagbalik ko lasing na dahil siguro sa tapang ng ininom niya hindi ko obligasyon ang ginagawa ko ngayon kay Nicky pero tan*ina, Ano tong ginagawa ko?
"Ken? why not just me?" tanong niya sa akin ng maihiga ko siya sa kama niya, I know this will happen but her pleas will not work for me anymore because I love Rita and she's the only one I will love no matter what happens
hindi na lang ako sumagot sa tanong niya at kinumutan na lang siya"Ken mahal na mahal kita, why don't you love me as much as I love you" umiiyak niyang sabi sa akin "Ken? you promised me before that you will love me and you will accept me again in your life no matter what happens and whatever sins I have committed against you"
yes I promised you before because I was so hurt then but I buried it in oblivion and they don't make sense to me now gusto kong ipamukha sa kanya ang mga salitang yun pero nanatili na lang akong tahimik
"Ken I was also hurt by what I did to you before, but Ken believe me I regret those stupid things"
"Lasing kana, mag pahinga kana" aniko at lumabas ng kwarto niya
"Manang kayo na pong bahala sa alaga niyo" magalang kong utos kay Manang dito sa sala
"Sige po Sir" aniya at umakyat sa taas
dahil sa pagod at antok ay dumiretso ako sa kotse ko para umuwi sa condo ko gusto kong tawagan si Jason tungkol kay Rita pero hindi ko mahanap ang cellphone ko,
Damn.. Asan yung cellphone ko!imposible namang naiwan ko sa pamamasyal namin ni Nicky ang layo ng nilakad namin para hanapin ko ang cellphone doon, naisip ko na baka naiwan ko sa hospital kaya nag pasya akong pumunta ng hospital
habang nag lalakad ako papunta sa office ni Doc Vincent ay napaisip ako kung nandoon pa ba siya, pumunta na lang ako sa cashier para mag tanong kung nandoon ba ba si Doc Vincent
"Ahmm.. Good evening" tawag ko sa atensyon ng nurse na naka talikod
"Good eveni--- Uyh, Ken ikaw pala!" bungad sa akin ni Nurse Kara ng humarap siya sa akin
ngumiti ako sa kanya bago mag salita "Ahmm itatanong ko lang sana kung andiyan pa ba si Doc Vincent"
"Ay, wala na" Aish, paano yung cellphone ko? bukas ko na lang siguro kunin
"Sige salamat Nurse Kara"
"Sige, ingat Ken" Aniya at tumalikod sa akin, bukas na lang ako babalik dito
"Uyh, Doc mukang pagod na pagod kana" narinig ko pang sabi ni Nurse Kara baka may kausap lang siya
"Oo eh, I took care of my patient hays, Anong oras na ba?" napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses na yun hindi ako pwedeng magkamali si... si Faye ito
naalala ko na ikwento din pala sa akin ni Rita na isang Doctor si Faye, I hurried to walk and went to a large pole and hid there para silipin kung si Faye nga ba ang narinig ko, hindi nga ako nagkamali si Faye nga ang Doctor na kausap ni Nurse Kara
"Mag 11 pm na po" sagot ni Nurse Kara kay Faye habang hinihilot ang kanyang sintido
"Asan si Lenard?" tanong ulit ni Faye kay Nurse Kara