Chapter 46

405 25 7
                                    





nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock, kinusot ko muna ang mga mata ko saka ko ito minulat ng maayos kinapa ko ang alarm clock sa side table at pinatay ang alarm, mabilis akong napabalikwas dahil sa naalala kong araw ngayon, birthday na ng siraulo kong kaibigan tapos makikita ko na mamayang gabi si Ed Sheeran!!




niyakap ko patalikod si Faye dahil tulog parin siya"Happy birthday Doctora!!!!" malakas na sigaw ko at dahil sa kakulitan ko ay nahulog kami pareho sa kama


"What the.. Ta!" pagtataray nito at biglang tumayo kaya napatayo din ako


"Happy birthday!!!" napangiti siya sa sigaw ko kaya niyakap ko siya, tamo nag tataray tapos ngumingiti naman

"Sobrang excited na ako mamayang gabi" umiiyak niyang sabi sa akin ako na ang unang bumitaw sa yakapan namin at pinunasan ko ang mga luha niya

"Sana maging masaya ka ngayong araw ng kaarawan mo"



"Oo naman. sapat na sa akin na magkasama parin tayo hanggang ngayon" ang swerte ko talaga kasi meron akong kaibigan kagaya ni Faye hindi man buo ang pamilya ko andiyan naman siya simula nung una as in nung una


"Ang drama mo, mag-ayos na tayo at puntahan na natin yung dalawa pagkatapos" kanya-kanya kaming punta sa mga gamit namin, dalawa yung banyo dito sa room namin kaya naligo narin kami


mga ilang minuto din ay natapos na kami ni Faye sa pag-aayos ng mga sarili namin, kaya minabuti kong puntahan ang dalawa marahil tulog pa ang dalawang yun"Pupuntahan ko lang yung dalawa Faye"


"Sige. maghihintay lang ako dito" aniya habang nag lalagay ng hikaw sa tenga niya, pumunta ako sa pintoan at binuksan ito


paglabas ko ay pumunta agad ako sa katapat naming kwarto, kumatok muna ako pero wala namang sumasagot kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pintoan, hindi ito naka lock? ano naman kaya ginawa nilang kabalastugan kagabi? at hindi na nag lock ng pinto. Dahan-dahan akong pumasok at nilibot ng paningin ko ang kwarto napatingin ako sa sahig nang may matamaan akong mga bote ng alak, uminom sila!? humanda talaga sila sa akin!

pupunta na sana ako sa kwarto ni Ken nang makita ko ang dalawang gonggong sa sala, si Lenard parang mantikang tulog sa sahig si Ken naman naka higa sa sofa habang may hawak na alak ng bote humanda ka sa akin ngayon, pumunta ako sa kusina at nag tungo sa sink kinuha ko ang isang maliit na planggana na naglalaman ng maraming tubig, dahan-dahan ang mga lakad ko papunta sa gawi ni Ken baka matapon ang tubig sayang naman, nang makalapit ako dito ay walang pasintabing binuhusan ko siya ng tubig kaya mabilis siya naka tayo


"Grr.. Ano yun!?" taranta niyang sabi animoy nawala sa sarili bwisit talaga siya nagawa pa talaga niyang uminom


"Malamig ba?" walang buhay kong tanong dahilan para lingonin niya ako

"T-ta!?"

"Gulat na gulat ka ah" inis na inis ako sa kanya kaya nahagis ko ang planggana sa kung saan man yun na punta



"Good morning baby" loko talaga siya nagawa pa talaga niyang maglambing, hinampas ko siya ng malakas kaya na padaing siya sa sakit "B-bakit ka ng hahampas?" aniya habang hinahagod ang braso niya na gawa ng hampas ko

"Ikaw!? bakit ka uminom!?"



"Kunti lang naman yun" aktong lalapit na siya sa akin nang umatras ako


Always and Forever Where stories live. Discover now