Chapter 22

362 34 1
                                    


Ito na talaga sagad na'to, pasensya na kayo na wala kase yung sinulat ko kahapon para sa chapter 22 dahil sa revision kaya nawalan na ako ng gana magsulat ulit, ang haba din kase nang chapter na yun tapos nawala pa😩

Happy reading!!❤

(this story was dedicated to @Joyestabillo😁)






Ken's POV


hindi ako nakapunta kaninang umaga sa office ni Doc Vincent dahil napagod at tinatamad ako kaya ngayong gabi ako pupunta doon lalo na't wala akong alam kung ano na ang nangyari Kay Rita, kung kamusta na siya? kung kumakain ba siya?

mas lalo  akong magingat ngayon dahil nasa iisang lugar lang kami ni Faye at kung magkita man kami sigurado akong sasabihin niya yun kay Rita

nang marating ko ang Guki Hospital ay hindi muna ako dumiretso sa office ni Doc Vincent, pumasok ako ng hospital at pumunta sa malaking pader para sumilip sa paligid maging sa cashier's office

mabuti na lang at si Nurse Kara lang ang nandoon kaya pagkakataon ko nang pumunta doon, dahan-dahan at maingat ang naging hakbang ko lalo na't sumusulpot lang kung saan si Faye

naging matagumpay ang punta ko sa direksyon ni Nurse Kara, sa ginagawa kong to para akong criminal na may pinagtatagoan

"Hi Ken? goodevening, Anong sadya natin?" napaulirat ako sa pag-iisip ng magsalita si Nurse Kara

"May tanong lang sana ako"

"Ano yun? mukang seryoso yan ah" natatawa niyang ani sa akin, pero bigla din siyang tumigil nang mapansin niyang seryoso ako "Eherm, okay, Ano ba yun?"

"Tanong ko lang sana, kung andiyan ba si Faye---este si Doc Faye?" aniko at nilagay ang kanyang kamay sa kanyang baba animoy parang nagiisip

"Off Duty ni Doctor ngayon, bakit anong kailangan mo kay Doc?" nagtataka niyang tanong sa akin

"Wala naman, sige mauna na ako" parang nabunotan ako ng tinik at kaba nang malaman kong wala si Faye ngayon, kaya malaya akong lumakad at hindi magtatago "Salamat pala" pahabol kong sabi kay Nurse Kara at ngumiti lang siya at  tumango



I just want to give Faye a moment here in this chapter as she is a doctor :)


Faye's POV

Off Duty ko nga pero parang nag tatrabaho parin ako, sa tagal ng panahon na hindi ako umuwi dito sa America hindi ko narin nalilinis tong condo ko, hindi naman kase ako kagaya ni Tata na sobrang mahal na mahal niya ang condo niya kulang nalang gawi na niyang anak ang condo niya

Kamusta na kaya yun? matawagan nga.. aktong tatawagan ko na siya nang biglang tumawag si Doc Sherry

si Doc Sherry at Doc CD ay isa ring Pilipino bali lima kaming nagtatrabaho dito kasama si Nurse Kara, hindi naman ako regular sa hospital na yun sadyang may pasyente lang ako doon sa Pilipinas naman talaga ang totoo kong trabaho bilang CEO din doon

Always and Forever Where stories live. Discover now