Happy reading!!❤
Ken's POV
nang sabihin ko yun kay Faye parang na bunotan ako ng tinik inaamin ko medyo nawala yung pag-alala at pamomroblema ko nang sabihin ko yun sa kanya siguro ganito din ang mararamdaman ko kapag sinasabi ko ito kay Rita pero hindi muna sa ngayon
tiningnan ko si Faye doon ko lang din na pansin na tulala siya at hindi maka kilos dahil siguro sa sinabi ko, hindi ko inasahan na ngayon ko ito sasabihin alam kong plinano ito ng diyos at alam kong meron itong dahilan bakit ko ito sinabi sa isang tao
God's timing is the best timing he knows exactly when the right time is for everything. Never early, never late. But right on time.
Naalala ko tuloy yung sinabi sa akin ng Manager ko dati tama nga siya ito yung tamang oras, at meron ding tamang panahon para sabihin ko kay Rita ang lahat ng to..
"P-paano?" napaulirat ako sa pag-iisip nang mag salita si Faye nang wala sa sarili
"in the last few months I found out that I was carrying a disease, I remember I used to come from an event with my manager and my PA tapos bigla na lang akong hinimatay kaya dinala nila ako sa hospital" pagpapaliwanag ko sa kanya, umayos siya ng upo at uminom ng kape niya mukang nahimasmasan naman siya sa postora niya
"Then how? paano mo nalaman?" nagugulohan niyang tanong sa akin
"Nung nag kamalay ako sinabi ng manager ko na hindi daw normal ang pag kahimatay ko tapos kinausap niya ang doctor kailangan ko daw dumaan sa CT scan"
"Patingin nga ng MRI results mo?" aniya na ikinataka ko
"Para saan?"
"Gusto ko lang makasiguro"
"Sa tingin mo ba nag sisinungaling ako?" mahinahon kong tanong sa kanya, umiling agad siya bilang pag sagot
"Hindi naman sa ganon, pwede ko bang makita"
"Naiwan ko sa bahay yung results"
"Then puntahan natin" aniya at tumayo
"Faye naiwan ko sa bahay sa Pilipinas" nadismaya agad siya sa sinabi ko at umupo ulit sa tabi ko
"Bakit ba gusto mong makita?" taka kong tanong sa kanya
"Nag tataka lang ako Ken, sumama ka sa akin may pupuntahan tayo" bigla siyang tumayo at nauna nang lumakad
tumayo narin ako at taka ko siyang sinundan kung saan man niya balak pumunta
"Faye? saan ba tayo pumunta?" tanong ko at inabot Ang braso niya dahilan para mahinto kaming dalawa
"Sumunod ka na lang Ken, para sa'yo din naman tong ginagawa ko" naiinis niyang sabi at binawi ang braso niya na hawak-hawak ko