Chapter 7

405 32 6
                                    

A/N: Sorry hindi ko na naedit sorry sa mga typos at wrong grammars😉

"Ate Rita I'm sorry because I told my kuya our secret about your new book" malungkot na ani ni Kenlyn sa akin iniisip niya siguro na magagalit ako ang cute talaga ng batang ito

"It's okay baby, I won't be angry" pag papagaan ko sa nararamdaman niya, umayos siya ng pag kaupo sa lap ko at ngumiti sa akin

"Talaga, wow thank you ang bait mo po talaga Ate" aniya at yumakap sa akin, napangiti naman ako dahil sa batang ito

"Kenlyn can you leave Ate Rita and me first we will just talk" hindi ko namalayan na andito pala si Ken naaaliw kasi ako kay Kenlyn, ano bang dapat naming pag-usapan?

"Okay bye Ate Rita" pag papaalam sa akin ni Kenlyn at kiniss niya ako sa cheeks at dali-dali itong umalis sa lap ko at lumabas

hinarap ko ang Ken Chan na ngayon ay masama ang tingin sa akin "Bakit ganyan ka maka tingin?"

"Seriously?" Ano na namang pinag sasasabi nitong Ken Chan na'to?

"What?"

"Seryoso ka talaga?"

"Ano bang tinutukoy mo!?" naiinis kong tanong sa kanya

"Ako at si Arra gagawin mong couple sa movie? wala ka bang alam?" how dare he is! ako walang alam? Ano bang problema nito?

"What is your problem? Is there anything wrong if I treat you to Arra?"

"Ibahin mo yung script"

"Ano!? at bakit naman? ako ang writer dito kaya wag mo akong dektahan!" ito ba talaga ang pinunta niya dito? ang kapal ng mukha niya

"Kung ayaw mong ibahin yun, hindi ako aarte sa pelikula" aniya at tumayo sa pag kakaupo at tumalikod, what's wrong with him?

"Huy Ken Chan, Ano bang problema mo!?"

"if you don't follow me I will really kiss you, change the script Rita"

"And why would I do that?"

"walang lead role sa pelikula" Arghhh! bwisit siya! sa tingin niya ba susundin ko siya? no way! pinaghirapan kong isulat ang script na yun! tapos ipapabago niya lang?

bahala siya diyan manigas siya, bakit may masama ba kung mag tatambal sila ni Arra? Aish bakit ko ba pinapagod yung utak ko dahil sa Ken Chan na iyan!

"No, ayoko pagod na ako, Ano bang masama kung itatambal ka kay Arra? it's just a movie Ken!" sita ko sa kanya, humarap siya sa akin ng walang emosyon ang mukha niya

"Ano bang silbi mo at naging Writer ka pa!? wala kang alam! next time, find out everything before you make a decision, not everyone Rita revolves around your world!" Ano bang problema niya? ang sakit-sakit ng mga binibitawan niyang salita sa akin, kagaya lang pala siya ng ibang lalaki puro sarili  lang ang iniisip

"Wala kang silbi!"

"Wala kang kwentang Anak!"

"Sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang Mommy mo!"

bumalik sa akin ang mga salitang sobrang dumudurog sa akin, ang Daddy ko..

nag sisimula na akong umiyak dahil sa mga naalala ko idagdag mo pa ang mga masasakit na salita ni Ken

"Ganyan ba talaga ang tingin niyo sa akin? walang silbi? walang kwenta? Ano bang ginawa kong masama sa inyo? pare-pareho lang kayong lahat! lahat ng mga nakikita niyo sa akin ay ang mga pag kakamali ko!" Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, sa isip ko nakikita ko si Daddy sa harapan ko gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil kay Daddy"Sana ako na lang yung namatay at hindi si Mommy, wala naman akong silbi diba? wala naman akong kwentang Anak! dahil sa akin namatay si Mommy!" napaluhod ako sa kakaiyak at kakasigaw, I miss my Mom..

Always and Forever Where stories live. Discover now