"Nako hija pag pasensyahan mo na itong bahay namin, ganito lang talaga yung naka sanayan naming buhay" seryosong sabi sa akin ni Lola habang naka talikod siya sa amin "Ito naman kaseng si Ken hindi man lang sinabi na pupunta kayo dito, edi sana nag paghandaan namin tong bahay namin"
"La, gusto ko kasi kayong ma surprise" sagot naman nitong katabi ko na naka akbay parin sa akin "Tsaka wala na mang problema dito si Rita eh, diba Ta?"
"O-opo" maikli kong sagot
actually wala naman talaga akong problema sa bahay nila let's just say the house is very simple pero kong tutuosin ang ganda ng loob nito, sa bawat detalye ng bahay para bang merong mensaheng naka paloob doon, ewan ko ba basta nagagandahan ako at na paka aliwalas lang sa pakiramdam
"Oh siya sige, umupo na kayo dito at ipaghahain ko kayo ng makakain" suhistyon ni Lola Amor, umupo naman kami sa upoan medyo na takot akong umupo kasi kung titingnan mo yung upoan parang hindi matibay
dahan-dahan akong umupo buti na lang at hindi na sira "Baby?" tumingin ako kay Ken nang tawagin niya ako sa pangalan yun "Pag pasensyahan mo na tong lugar nila Lola talagang ganito lang yung buhay na gusto nila" malungkot niyang pahayag sa akin marahil alam niyang hindi ako sanay sa ganitong buhay, pero para sa akin gusto ko tong buhay nila dito sobrang simple lang
"It's Okay maganda naman siya eh" naka ngiti kong sagot sa kanya dahilan para mag taka yung mukha niya
"Aren't you used to this life? kanina pa nga ako nababahala kung makakatiis kaba ng apat na araw dito" natawa ako sa sinabi niya hindi ko akalain na pinoproblema niya yung magiging buhay ko dito sa probinsya
"Okay nga lang ako, tsaka ginusto ko na mang sumama sayo eh" ngumiti siya sa akin ng nakakaloko, at nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi, mabilis lang naman yung halik niya pero ang laki na ng impact sa akin
"Eherm" napatingin kaming dalawa ng may biglang tumikhim sa harapan namin, at doon ko lang na pansin na andito pala yung Lolo ni Ken
"Lo? matuto naman po kayong mag salita" natatawang sabi ni Ken sa Lolo niya nakaramdam ako ng hiya nang tumingin sa akin si Lolo
"Paano ako magsasalita eh parang ayaw niyo atang mag paistorbo" natatawang sagot ni Lolo "Hija? kamusta naman ang buhay mo nang maging boyfriend mo ito si Ken?" tangina lang, boyfriend? hindi nga yan nang liligaw eh, paano ko ba yan sasagutin? wala akong experience maging boyfriend tong katabi ko
"Ahmmm... A-ano po... He is a good boyfriend po and he can be taken care of, since he became my boyfriend he has changed the course of my life" hinakawan ni Ken ang tuhod ko at pinisil yun ramdam ko ang ngiti sa mga labi niya, napangiti narin ako lalo na't ma pang suri ang mukha ng Lolo niya
"Mabuti naman kung ganon hija, kapag nabalitaan kong sinaktan ka nitong apo ko, ako mismo ang iitak sa apo ko" natawa kaming tatlo dahil sa suhistyon ni Lolo
"Mukang nagkakasiyahan kayo ah" napatingin kami kay Lola papalapit siya sa amin habang may dalang dalawang plato ito na ata yung pagkain "Oh ito na ang pagkain niyo" nilapag niya ang pagkain, nakahain doon ang kanin at ang... I am not familiar with this dish kaya nag taka ako kung anong klasing pagkain ito "Hija pag pasensyahan mo na itong pagkain namin, hindi kasi nag sabi si Ken na pupunta kayo dito"