Chapter 37

425 34 16
                                    






pigil namin ang aming hininga pareho, napatingin ako sa kanya at ngumiti masaya ako kasi si Ken ang kasama ko, sana hindi na ulit siya mawawala sa buhay ko, yumakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit at gusto kong maramdaman niya na sobra ko siyang mahal kahit hindi ko pa nasasabi sa kanya


"I love you Ta" mas lalo kong hinigpitan ang pagkayakap sa kanya maging siya rin ay sumagot na sa yakap ko


"Makakapaghintay ka naman hindi ba?" tanong ko at tumingin sa kanya kahit hindi parin ako humihiwalay sa yakap niya

pinisil niya ang tungki ng ilong ko at ngumiti ng mapalad "Oo naman baby, mahal kita kaya hihintayin kita" aniya at hinalikan ako sa ilong, napangiti ako sa ginawa niya kaya isiniksik ko ang ulo ko sa leeg niya

"Baby?"


"Hmmm?" patanong kong sagot sa kanya


"Ituloy na natin" nag taka akong tumingin sa kanya


"Anong ituloy?" ngumiti lang siya ng nakakaloko kaya kumunot ang noo ko



"Pabitin ka kasi" natatawa niyang pahayag sa akin, What is he saying?




"What do you mean? hindi ko maintindihan" aniko at bumalik muli sa pagkakasiksik ko sa leeg niya




"Gusto mong umuwi na tayo? wala sila Lola't Lolo doon, kaya pwede na nating ituloy yung na udlot nating halik---- Aray Ta!" sa bawat pahayag niya ay unti-unti ko ng naiintindihan ang nais niyang ipunto, kinagat ko siya sa leeg ng may pag kalakasan hindi ko sinadyang makagat siya nang ganon ka lakas kaya napahiwalay ako sa kanya dahil sa lakas niyang sigaw

at doon ko nakita ang luhang pumatak sa mata ni Ken, na konsensya tuloy ako kasi naman kung ano-ano pinagsasasabi niya "Nagbibiro lang naman ako eh" humihikbi niyang sabi at hinihimas ang leeg niya na may marka ng kagat ko"Bakit ka na ngangagat?" lumapit ako sa kanya para sana pakalmahin siya pero lumayo lang siya, hala nag tatampo yung Ken ko



"Sorry na Ken, hindi ko sadya" aniko at yumuko, tumingin ulit ako sa kanya nang wala akong marinig na sagot " Huy Ken Chan sorry na, mahal mo naman ako hindi ba?" nakangiti kong tanong sa kanya, pero hindi parin niya ako sinasagot at nasa leeg parin niya ang atensyon niya


"Umuwi na tayo gusto ko ng mag pahinga" lumapit ako sa kanya dahil sa sinabi niya, kinagat ko lang naman siya pero bakit sobrang big deal para sa kanya?

"Sorry na nga eh, hindi ba madaling mag patawad Ken?" sa pagkakataong to ay tumingin na siya sa akin


"Sorry? tapos parang naiinis ka pa?" tanong niya sa akin, sino bang naiinis? hindi naman ako naiinis ah

"Hindi naman ako naiinis eh" sabi ko at napatingin ako sa leeg niya na sobrang pula at may marka pa talaga ng kagat ko, sobrang sakit nga siguro ng kagat ko "Gagamutin ko na lang" hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at hinalikan ko ito at sinipsip

"F*ck Rita, anong ginagawa mo?" humiwalay ako sa kanya at ngumiti

"Galit ka pa ba sa akin?" naka ngiti kong tanong

"Umuwi na tayo" walang buhay niyang sabi sa akin, galit parin ba siya? aish, wala sa vocabulary ko ang mag lambing sa taong tampohin,

"Okay" nauna na akong tumalikod sa kanya at pumunta sa gate, bago pa man ako makahakbang ng dalawa ay nag salita ulit siya

"Ano yun lang?" humarap ako sa kanya gamit ang serysoso kong mukha

Always and Forever Where stories live. Discover now