Yen’s POV
“Ouch…” Nakaupo ako ngayon sa gitna ng hallway at dinadaing ang sakit ng left foot ko. Sa sobrang dami kasi ng dala kong pag-design sa magiging art gallery ng department namin, natipalok tuloy ako. Nagkalat tuloy sa daan ang mga dala ko. Pinilit kong tumayo para limutin ang mga pang-design pero bumagsak lang ulit ako, at dahil nga sa hindi ko kaya, nilimot ko na lang ang mga yun ng nakaupo at binalik sa box na dala ko. HAIXT!!! Ang clumsy ko naman ngayon. Tumingin ako sa paligid ko at wala akong nakita ni isang tao. Siguro nag-uwian na ang lahat, 6 pm na kasi. Siguro, uuwi na lang muna ako.
Pinilit ko ulit na tumayo kahit pipilay-pilay. I tried to walk. After a few steps, babagsak na naman sana ako but inaasahan ko na babagsak ako pero may biglang sumalo sa akin. I looked up to see the person who catch me…..
“K-kai? W-when did you get here?” Nagulat ako sa presence niya.
“Ahh… I forget something on my locker.” He explained.
“No. I mean... Ang bilis mo naman ata. Kanina kasi wala naman akong makita na tao dito.”
“H-ha? Ahh… I run. Hehe. Runner athlete din kasi ako nung bata pa ako kaya yun. Hehe.” Napakamot siya sa ulo niya. Ganun??
Napansin ko na nakahawak pa din siya sa waist ko kaya agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya. We cleared our throat at the same time.
“Well… Ahhm… I better get going, I have to go home na kasi.” I said not looking at him.
“Paano ang paa mo? Para kasing hindi ka makalakad ng maayos kanina.” He asked. I looked at him and I saw his worried eyes.
“I’m fine. Don’t worry about me…” Bakit ba ang feeling ko, hindi ako makahinga? I need to get out of here. I tried again to walk pero ang sakit talaga ng paa ko kaya napahawak ako sa wall.
“You need help. Akin na ang dala mo.” Kinuha niya sa akin ang box at umalis. After a few minutes, bumalik siya.
He grab my right hand at pinilit niya akong isakay sa likod niya.
“Yah! What are you doing?” I hesitate to ride at his back.
“Helping you out. Wag ka na ngang malikot diyan!” Hindi na ako nagsalita pa. Sa bagay, wala naman talaga akong magagawa. Kung wala siguro siya dito, baka hindi ako makakauwi ngayon sa house.
“Hey, where did you put the box?” I asked calmly.
“Sa art gallery room, dun mo naman dapat talaga dadalhin yun di’ba?”
I nod and silence went to both of us. Habang naglalakad siya palabas ng school, hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng heartbeat ko. Siguro kinakabahan lang ako dahil matagal din kaming hindi nag-usap. Sana nga lang hindi niya maramdaman ‘to.
“Ahh… Yen?” He called.
“Y-yes?” Kagulat naman ‘to, bigla-bigla na lang nagsasalita.
“I’m sorry…”
“For what?” I asked to him.
“For… kissing you.” Namula naman agad ako sa sinabi niya. Bakit pa kasi sinabi niya ang bagay na yun?
“H-ha? Y-yun ba? Bakit ka naman mag-sosorry para dun?” Hay naku Kai, hindi ko na alam kung ano nang susunod kong sasabihin dahil mo eh.
“Kasi…. I kissed you without your permission... Nasira ko tuloy yung friendship nating dalawa.”
“Ano ka ba? Sa cheeks lang naman yun eh, maliban na lang kung sa li--” Teka… Ano bang pinagsasabi ko? Gumising ka nga yen! “Ahh… Ano...” I mentally slap myself because of embarrassment. I saw him smile at my actions. “Ahh… Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. By the way, friends pa din naman tayo di’ba? Kahit nagulat ako nung ginawa mo nga ang bagay na yun.”
“Y-yes! Friends… Hehe… Ahh… We’re here” At nakita ko ang driver namin na naghihintay sa tabi ng car. Lumapit siya sa amin.
“Miss Ye Gin, ano pong nangyari sa inyo? Nasaktan po ba kayo?” Agad niyang tanong sa akin.
“Don’t worry, I’m ok. May konting aksidente na nangyari lang kanina pero ok na po ako.” I smile and then I turn my gaze to Kai. “You can put me down now.” I said to him.
Dahan-dahan niya akong ibinaba sa ground. Inalalayan naman ako ng driver namin at isinakay na niya ako sa kotse.
“Kai, thanks for everything.” I smile to him.
“Ok lang yun. Ahh… See you tomorrow.” He wave then he close the door of the car. I open the window of my car and wave back at him. Umandar na ang kotse at unti-unti nang nawala sa paningin ko si Kai. Habang nasa daan, iniisip ko pa din kung bakit ang bilis pa din ng tibok ng puso ko. Feeling ko tuloy, magkaka-heart attack ako sa sobrang bilis. Siguro dahil nabigla lang ako sa sinabi niya, yun nga siguro. Haixt….
Kai’s POV
Friends............ simpleng salita lang yun pero bakit ang sakit pakinggan?
Babalik sana ako sa locker room para kunin ang robber shoes ko ng makita ko si Yegh. Nung mga oras na nakita kong nahihirapan si Yegh na makatayo, nagdesisyon na ako na gamitin ang kapangyarihan ko para tulungan at kausapin na din siya. Nung mahawakan ko ang mga kamay niya, feeling ko bumalik ang saya sa buhay ko. Namiss ko talaga ang boses niya.
Bumalik na ako sa dorm at nakita ko sina Lay-hyung at Luhan-hyung na naglalaro ng video games. Umupo ako sa couch malapit sa kanila.
“Oh… Kai? Nandito ka na pala, nasan na yung iba?” Luhan-hyung asked while playing.
“Hindi ko alam. Baka nasa school pa. Nauna na ako, napagod kasi ako ngayon sa dance practice namin eh”
“What about Sehun? Di’ba nasa same department kayo?” This time si Lay-hyung naman ang nagtanong.
“Hindi pa ba siya bumabalik? Nauna siya sa akin lumabas ng dance room kanina. Hindi nga siya nagpaalam sa akin eh.” Nasan na nga ba yung mokong na yun?
“Siguradong bumili na naman siya ng favorite niya. Hahaha.” Luhan-hyung laugh. Hays...
Sehun’s POV
Ahhh. Ang sarap talagang uminom ng bubble tea pagkatapos ng nakakapagod na practice. Hindi na ako sumabay umuwi kina hyung at Kai para ma-enjoy ko ang favorite drink ko. Hehe… :P Naglalakad-lakad muna ako bago umuwi sa dorm.
Minsan naman kailangan ko ding mag-enjoy. Dumating kami sa mundong ito ng walang alam kung anong meron dito. Pero habang nagtatagal ang pananatili namin dito, unti-unti ko na ding naiintindihan kung ano ang pagkakaiba ng mundong ito sa mundo namin. Sa Exo world, walang ibang inisip ang mga tao doon kundi ang mapalakas ang kanilang mga kapangyarihan. Walang mga kasiyahan, puro kadiliman at mga pagsasanay. Pakiramdam ko walang kaming laya na ipakita kung ano ang tunay na kami. Aaminin ko, ayaw ko sa mundo ng mga mortal noong una, pero sa mga naranasan ko dito, masasabi ko na nagugustuhan ko na kung ano man ang meron dito. Hindi ko lang maintindihan kung bakit may planong sakupin ng aming pinuno ang mundong ito gayung wala naman akong nakikitang hindi mabuti sa mga tao. Masaya sila, kung may problema man, nagagawan din nila ng paraan. Sa mundo din na ito, Malaya ang taong makagawa ng gusto nilang gawin.
Tumigil ako sa isang park at umupo sa isa sa mga upuan doon. Ubos na ang bubble tea ko pero feeling ko, ayaw ko pa din na umuwi. Siguradong pagdating ko sa dorm, pag-uusapan na naman namin ang tungkol sa misyon. Gusto ko nang umiwas sa mga nangyayari, ngayong ang target ng aming misyon ay sina Min Ji at ang mga pinsan niya. Paano nga kung sila na ang matagal na naming hinahanap?
Si Min Ji……..