KAI's POV
It's been a week when she's avoiding me. Hindi ko alam kung anong nangyari. May ginawa ba akong masama? Last time I check, ok kami bago naghiwalay noon sa mall.
"Bakit kaya tayo iniiwasan nung dalawang yun?" tanong sakin ni Sehun. Tama kayo, hindi lang ako ang iniiwasan nina Yegh at Min Ji kundi kaming lahat.
"Ano kayang nangyari sa kanila?" sabi naman ni Suho hyung.
"Hindi ko rin alam pero I'll find a way para makausap siya. Ako na ang bahalang umalan kay Yegh."
"Susubukan ko ring kausapin si Min Ji." tumango lang kami sa kanya.
"Well try to ask Ji Hyun about them." suhestyon naman ni Baekhyun hyung.
Pagkatapos naming mag-usap usap, nagkanya-kanya na kaming punta sa mga klase. Buong araw akong iniwasan ni Yegh pero dahil magkasama kami sa Chemistry class, hindi na niya magawang umiwas. Ang problema lang, kahit na magkatabi kami hindi rin niya ako kinakausap.
"Ok class, we will have an activity that will be perform by pair with your seatmates. Now, face each other and I will distribute to you the activities."
At dahil kami ang magpartner, I took that as an opportunity to talk to her. At first, hindi niya talaga ako kausapin hanggang sa di na yata siya nakatiis.
"What do you want?" Mahina pero may diin niyang tanong. Sa sobrang gulat ko, hindi agad ako nakasagot.
"May nagawa ba akong mali?" Sa halip na sumagot, umiwas lang siya ng tingin. "Bakit ka umiiwas sa amin? Nung huli tayong nagkita, ok naman tayo di ba?"
"May activity tayo kaya dun ka magfocus."
"Bakit hindi mo muna sagutin ang tanong ko?"
"Hindi naman yan mahalaga."
"Kung sa'yo hindi, para sa akin oo. So please, tell me." I pleaded.
"Hindi ako umiiwas."
"Then what do you think you're doing?" medyo tumaas na ang boses ko. Nafufrustrate na kasi ako sa mga sagot niya.
"Why do you care?" hindi na rin niya napigilan ang pagtaas ng boses.
"Mr. Kim and Ms. Park!" tawag pansin ng professor namin. Nakalimutan ko na may klase nga pala kami. "The two of you, get out!" Wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang lumabas.
Lakad lang siya ng lakad samantalang ako, tahimik lang na nakasunod sa kanya. Iniisip ko kung saan siya pupunta. Mayamaya ay nakarating kami sa may garden kung saan madalas kaming magkita noong mga panahong tinutulungan ko siya sa project niya sa photography.
"Hey!" tawag pansin ko sa kanya ng makaupo siya sa isang bench.
"Bakit mo ba ako sinusundan?"
"Galit ka ba sakin?" mahinahon kong tanong. Tumabi ako sa kanya. Hahawakan ko sana ang balikat niya pero bigla niyang tinabig ang kamay ko.