Baekhyun's POV
Nandito lang kami sa bahay. Nakakaboring! Lima lang kasi kami dito. Hinati na ulit kasi kami ni Suho-hyung para mas mapabilis ang paghahanap dahil mukhang naiinip na si Mogadore. Si Sehun na lang ang hinihintay para magdinner na kami. Saan naman kaya sumuot ang batang yun? Hindi porke't siya ang pinakabata eh pagbibigyan na namin siya.
"Hindi niyo ba siya macontact?" nag-aalalang tanong ni Suho.
"Laging cannot be reach eh." Sagot naman ni Kai.
Sabay-sabay kaming napalingon ng biglang bumukas ang pinto. Si Sehun na mukhang hinang-hina.
"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni D.O.
"Naiinip na si Mogadore. Nagpadala siya ng mga kakaibang nilalang upang simulang sirain ang mundo ng mga tao."
"Sinasabi ko na nga ba. Kailangan na nating magmadali sa paghahanap."
"Bago yun, kailangan muna nating gamutin ang mga sugat ni Sehun." Saad ni Chanyeol.
Papunta na sana kami sa kwarto ni Sehun para gamutin ang mga sugat niya ng dumating ang isang mensahero ni Mogadore.
"Anong kailangan mo?" seryosong tanong ni Suho-hyung.
"Pinaparating ng Mahal na Haring Mogadore na kailangan niyo ng matagpuan ang mga nakatakda at itim na perlas sa loob ng dalawang buwan kung hindi buhay niyong labindalawa ang magiging kapalit."
"ANO?!" hindi ko mapigilang mapasigaw sa gulat.Dalawang buwan na lang ang ibinigay na palugit samin sa paghahanap ng black pearl at kung hindi namin makikita, papatayin kami. Ayos ah! Sila kaya ang maghanap ng mga taong wala man lang ideya kung ano itsura. Asar!!!
"Narinig niyo naman siguro ng malinaw? Kung gayon, ako'y babalik na sa kaharian. Mag-iingat kayong lahat dito. Nawa'y mahanap niyo na ang perlas ng matapos na ang lahat." Makahulugang sambit nung mensahero.Parang may iba sa kanya, hindi ko lang masabi kung ano.
"Tara na sa kwarto ni Sehun. D.O, tawagan mo sina Kris at ipaalam ang mensaheng ipinarating ng hari."
"Sige."
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang sinabi nung mensahero. Dalawang buwan na lang ba itatagal ng buhay ko? Nihindi ko pa nga naaamin kay Ji Hyun na gusto ko siya tapos ganito ang mangyayari.
"Wag kayo mag-alala. Nararamdaman ko, malapit na natin silang makita. Bumaba na tayong lahat at magdinner para makapagpahinga. Bukas, magsisimula na ang totoo nating misyon." Seryosong saad ni Suho-hyung.
Naguguluhan man ay wala na kaming nagawa. Ano nang mangyayari samin? Paano na kami Ji Hyun? Haist! Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip.
Tao's POV
Nalalapit na ang takdang panahon. Nararamdaman ko na magsisimula na ang lahat. Nandito kami sa Japan ng mga kasama ko. Hinati kasi kami ni Suho-hyung. Alam kong malapit lang sila sa amin at may hinala na ako kung sino sila. Hindi ko lang masabi sa kanila dahil natatakot akong malaman nila ang katotohanan.
"Tumawag si Suho." Bungad samin ni Kris.Naghiwa-hiwalay kasi kami sa paghahanap.
"Anong sabi niya?" Tanong ni Xiumin-hyung.
"Pinuntahan sila ng isang mensahero ni Mogadore at ipinararating na meron na lamang tayong dalawang buwan para hanapin ang mga nakatakda at ang perlas. Kung hindi natin nagagawa ang misyon sa loobng ibinagay na takdang panahon, buhay nating labindalawa ang magigingkapalit." Cold na saad ni Kris-hyung.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Dalawang buwan na lang ang binigay sa amin. Sobrang sama talaga niya. Tama kayo ng nasaisip, hindi ako kakampi ng kaharian. Oo, kasama ako sa labindalawang magagalingna mandirigma sa aming kaharian ngunit iba ang aking hangarin sa misyon na ito. Maaaring naguguluhan na kayo sa tunay kong pagkatao. Kung ano ba talaga ang totoong dahilan kung bakit naririto ako, yun ay upang tulungan ang mga itinakdana tuparin ang nasasaad sa propesiya. Nang mamamatay ang mga magulang ko, mgababaylan na ng kaharian ang nagpalaki sakin. At wala ni isa man sa mga kasama ko ang nakakaalam. Ako ang hinirang na magtuturo sa mga itinakda ng mga dapat nilang malaman. Kailangan ko nang makausap ang tatlong itinakda.