Chapter 14: SCHOOL FESTIVAL

8 0 0
                                    

Yen’s POV

                      Malapit na ang festival ng school kaya abala sa paghahanda ang photography department para sa art gallery na ipi-present namin. After ng class namin, yun ang time para sa preparation ng festival. Minsan nga inaabot pa kami ng gabi. Buti nga hindi naiinip ang driver namin sa paghihintay sa amin. Nag-aayos ako ngayon ng magiging venue ng art gallery, wala akong kasama kasi mas maaga natapos ang klase ko. Maya-maya ay may narinig akong naglalakad palapit sa akin. Paglingon ko, nakita ko si Ri An, kasama sina D.O, at Suho-oppa.

“Oh, Ri An, maaga din ba natapos ang klase mo?”

“Oo, pati sila tapos na din ang klase, pareho kasi ang last class na pinapasukan namin eh.” Ri An said smiling.

“Ganun ba? Maganda yun, may makakasama na din ako sa wakas dito.”

“Hehe… Magsimula na tayo.” At nagsimula na kami sa pag-aayos ng venue.

                      Napansin ko na laging tnutulungan ni D.O.-oppa si Ri An sa pag-aayos, habang tumatagal, nagiging close silang dalawa. Si Suho-oppa naman pasimple naman tumitingin sa kanila. Feeling ko tuloy nanonood ako ngayon ng isang drama na ang kwento at may dalawang nagmamahalan at ang isa naman ay lihim na may pagtingin sa bidang babae. Hay naku, ayoko talaga ng mga ganung story. Nilapitan ko si Suho-oppa para naman may makausap siya.

“Oppa, malalaglag ang pintura sa tabi mo.” Nakita ko kasi na hindi niya naramdaman na natabig niya ang ginagamit niyang paint para sa wall painting. 

“H-ha. Ah.. Oo nga. Hehe…” Napakamot siya sa ulo at inayos ang posisyon ng pintura.

“May gumugulo ba sa isipan mo ngayon?” Tanong ko sa kaniya.

“W-wala, wala..” tinuloy niya ang ginagawa niya kanina matapos ko siya na matanong. Halata naman sa mga mata niya na malungkot siya.

                      Habang tinitingnan ko siya, bigla na lang nagkaroon ako ng insight. Ganun na naman, mga naka-black hood na naman ang nakikita ko.  Bigla na lang akong bumagsak sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba ko.

“Yen!! Anong nangyari sa iyo?” Agad akong tinulungan ni Suho-oppa na makatayo. Nilapitan naman ako nina Ri An at D.O.-oppa.

“May sakit ka ba yen? Bakit bigla ka na lang bumagsak?” Tanong sa akin agad ni Ri An.

“Hindi ko alam eh, bigla na lang akong nahilo.” Hindi ko sinabi ang totoo, baka kasi sabihin nila na ang weird ko.

“Siguro dahil matagal ka na ditong nag-aayos kaya napagod ka. Kailangan mo nang magpahinga, marami ka na din namang nagawa ngayong araw J.” D.O. said.

“Siguro nga. Hehe…”

“Umuwi ka na, kami na ang bahala dito.” Then hinawakan ako sa balikat ni Suho-oppa.

“S-sige, mauna na ‘ko.” Paalam ko sa kanila. Kinuha ko na ang gamit ko sa pinaglagyan ko kanina.

“Ingat ka.” Pahabol sa akin ni Ri An habang kumakaway sa akin.

“Thanks” I smiled. Umalis na ako sa venue pero kinakabahan pa din ako sa nakita ko. Ano bang ibig sabihin nun?

No one’s POV

                      Nakaalis na si Yen nung mga oras na yun. Nagtataka pa din si Suho sa nangyari.

“Suho-oppa, anong iniisip mo?” Tanong sa kanya ni Ri An.

“Kanina kasi ayos naman siya nung kinausap niya ako, pero ilang sandali pa lang, bumagsak na lang siya ng bigla. Pakiramdam ko may kakaibang nangyari sa kanya.” Paliwanag nito.

SHE's MY BLACK PEARLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon