Ri An’s POV
I’m having a hard time finalizing my project. Wala kasi akong art sa katawan. Haist! Paano na ‘to? Gusto ko mang humingi ng tulong kay Yen kaya lang siguradong busy rin yun. Tomorrow na kasi ang pasahan ng project namin. Ano ng gagawin ko?
Namimili ako ng picture ng biglang tumunog ang doorbell. Sino kaya yun, wala naman akong ini-expect na bisita ah.. Qala nga akong friends eh except kay Xiumin-oppa at Yen. I’m shocked, really, really schocked when 12 handsome guys were standing in front of our house. What are they doing here?
“Anyeong!” Oh, I feel speechless.
“Pwede mo naman kaming papasukin muna di ba?” cold na sabi ni Sehun.
“Ahh… Oo, pasok kayo.”
“Ri An, eto na ba yung mga pictures?” tanong ni Xiumin-oppa.
“Yhup.”
“May I see. May I see?” pangungulit ni Chen-oppa.
“Hyung, ang taba mo naman dito.” Kai said. Inagaw naman sa kanya ni Xiumin-oppa ang picture na hawak niya.
Mayamaya, napansin ko na nakapalibot na sila sa table kung saan nakakalat ang mga pictures ni Xiumin-oppa. Comment lang sila ng comment dun. Natatawa na nga lang ako sa kanila eh. Bigla naman akong nilapitan ni D.O-oppa. Bigla akong naging uncomfortable. This is the very first time na lumapit siya sakin and we’re so close.
“Hindi mo pa rin nafafinalize ang project mo?” Tanong niya sakin.
“Oo eh. Wala kasi akong alam sa mga pagdedesign. Hindi ako masyadong artistic.”
“Ganun ba? Maybe I can help you.” Ano daw? Tama ba ang narinig ko? He’s offering me a help.
“Naku, nakakahiya naman.”
“Ok lang yun. Classmates naman tayo eh at saka tomorrow na ang deadline, di ba?” Bigla namang sumigaw si Baekhyun-oppa.
“May food ba dito?”
“Mahiya ka naman. Wala tayo sa bahay ah.” Saway ni Suho-oppa.
“Ok lang. Meron food sa fridge. Ano ba gusto niyong kainin?”
“Ako na ang bahala. Just do your project. Bukas na ang submittion niyan di ba?” saad ni Xiumin-oppa. I just nod at him.
“Tutulungan ko na siya para mabilis niyang matapos.”
“Sige D.O. Wala kasing ka-art art yan sa katawan eh.”
“Xiumin-oppa!” Sigaw ko sa kanya. Tss. Nakakahiya kaya yun.
“Hehe!!! Mianhe (^_^)V” Parang bata lang.
Nagpunta na sila sa kusina lahat maliban kay D.O-oppa. Tutulungan niya nga daw kasi ako sa pagfinalize ng project ko. Sinimulan na namin ang paggawa. Hmm.. Napaka-artistic naman niya. Ang galing niyang magdesign. Dinaig pa ako.
“Malapit na tayo matapos.”
“Oo nga eh. Salamat talaga ha. Kung di dahil sa’yo, baka wala akong ipapasa tomorrow.”
“Wala yun. Are we friends now?” Then he smile so sweetly. Ano ba yan, nakakatunaw naman ang mga ngiti niya. Pero, hanggang friends na lang ba talaga? Pero mas mabuti na rin siguro ‘to kaysa naman dati na sa malayo lang ako nakatingin.
“Ahh.. friends?” Nag-aalanganin kong sagot. He offer his hand para makipagkamay. Tatanggapin ko na sana kaya lang biglang lumitaw si Suho-oppa at siya ang nakipagkamay kay D.O-oppa.
“Ano ba yang ginagawa niyo? Magmeryenda muna kayo.” Arrghh! Nakakainis naman ‘tong si Suho-oppa, panira ng moment. Mahahawakan ko na sana ang kamay niya. Haist! Sayang!
SUHO’s POV
The first day of the photography class, I had a crush on someone kaya lang parang may iba siyang gusto at saka we should strictly obey the rules. Bawal kaming makipaglapit ng loob sa isang mortal. Pero there is something inside my mind na magkaroon ng pagtingin sa isang tao
Palagi siyang mag-isa, wala siyang kinakausap kahit katabi niya. Pero sa tuwing makikita ko siya, lagi niyang tinitingnan ang isang lalaki, at yun ay si Kyungsoo. D.O. ang laging tawag sa kanya ng aming mga classmate kaya hindi masyadong nababanggit ang tunay niyang pangalan.
Kilala niyo na ba kung sino ang girl na tinutukoy ko?
Si Ri An, siya ang ina-admire ko until now. Simple lang siya at tahimik. Laking tuwa ko nga ng malaman ko na kauri namin ang nagugustuhan ko. But there are times na dapat hindi na lang namin nalaman ang tungkol dun. Mas malaki kasi ang chance na mapalapit si Kyungsoo kay Ri An.
And that day came, nasa house kami ngayon na tinutuluyan ni Ri An. Pinakiusapan kami ni Xiumin na samahan siya kasi nakiusap sa kanya ang mother niya na tingnan ang kalagayan ni Ri An. Hindi ko alam na wala na siyang mga magulang, ayon kay Xiumin, nawala daw ang mga ito sa pakikipaglaban nila noon sa pinuno ng Exo world. Sila daw ay kabilang sa mga nag-aklas noon na immortal dahil hindi nila nagustuhan ang gustong mangyari ng lahi namin na sakupin ang mundo ng mga mortal. Itinago ng lolo ni Xiumin si Ri An noon para iligtas ito. Kaya hindi naging lingid sa amin na kauri namin siya.
Nagpunta kaming lahat sa kusina para mag-prepare ng pagkain. Nagpe- prepare ako ng pagkain but at the same time tumitingin din ako sa kanila. Napansin ko na abala ang dalawa sa paggagawa ng project. Ayoko sana silang abalahin pero may tumutulak sa akin na lapitan sila. Nang makita ko na inaabot ni Kyungsoo ang kanyang kamay kay Ri An, kailangan ko nang gumawa ng paraan para hindi sila magkalapit ng loob.
Inunahan kong hawakan ang kamay ni Kyungsoo.
“Ano ba yang ginagawa niyo? Magmeryenda muna kayo.” Buti na lang may naisip agad akong sasabihin sa kanila.
“Ahh, ok.. Tamang-tama tapos na kami sa ginagawa namin.” Kyungsoo smile and turn to Ri An. “Kaja..”
Tumango lang ito pero makikita mo sa kaniya na masaya siya……kay Kyungsoo. Bakit…. Bakit siya lang ang nakikita mo? Pag sinabi ko ba sa’yo ang nararamdaman ko, papansinin mo din ba ako? Ang bigat pala kapag nakikita mo na iba ang gusto ng taong gusto mo.
Nauna na sila sa dining area, sumunod naman ako sa kanila. Magkatabi sina Xiumin at Ri An, buti na lang at hindi tumabi si Kyungsoo dahil hinila agad siya ni Chen.
“Xiumin-oppa, bakit nga pala kayo nandito?” nagtatakang tanong ni Ri An.
“Ahh, kasi,,. Namiss ko ang rosie chicks ng buhay ko eh, hehe” Then ginulo niya ang buhok nito.
“Yah,, Hindi na ako bata…” She whispered. Namula siya sa sobrang embarrassment habang inaayos ang buhok niya.
“Hay naku, kahit ano pang sabihin mo, you’re still my little sister. Ang cute talaga ng cheeks mo.” he said habang pinipisil ang chubby na pisngi ni Ri An.
“Oppa, stop it already..” Pilit niyang inaalis ang mga kamay ni Xiumin pero ayaw pa ding bumitaw nito. Nakakainggit naman ang closeness nilang dalawa, sana maging close din kami ni Ri An tulad ng sa kanila ni Xiumin.