YEGH’s POV
“Pauwi ka na ba?” Tanong ni Suho-oppa.
“Ah. Hindi pa. Magmimeet kasi kami ng friend ko na tutulong sa project ko.”
“Ahh... Ganun ba? Sige, mauna na kami ni D.O.” Pagpapaalam niya.
“Ahhm... Wait lang po. Maaari niyo po bang isabay si Ri An? Wala kasi siya kasabay eh.” Bigla naman akong siniko ni Ri An.
“Yen, ano ka ba? Ok lang ako. Sanay na ako umuwi ng mag-isa.”
“Ok lang, kaya lang hihintayin pa kasi namin yung iba naming kaibigan.” Sagot ni D.O-oppa.
“Ok lang po yun. Basta alam ko na may kasama siya at safe na makakauwi, ayos na sa akin. I’ve got ta go now. Baka naiinip na yung kaibigan ko. Bye!” Pagpapaalam ko sa kanila at nauna ng umalis.
After class, nagmeet na kami ni Kai-oppa sa garden. He preferred na tawagin ko siya sa ganun. It’s a sign of respect din naman.
“Kanina ka pa ba?” Tanong ko sa kanya. Pagdating ko kasi, nandun na siya.
“Hindi naman. Kakarating ko rin lang. so, what’s the plan?”
“You just need to portray different emotions then ako na ang bahala sa lahat.” Tumango naman siya.
“Can I get your number para ma-inform kita about my schedule. Kapag available ako, pwede na tayong magstart magshoot.”
“Yeah. Sure!” Then we exchange our phone numbers. Mayamaya, nagulat ako ng bigla na lang niya akong pinicturan.
“Why did you do that?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.
“Para may picture yung caller ID mo sa cellphone ko.” Geez! Ang daya naman. Kailangan pa ba yun? Nagulat na naman ako ng bigla na lang niyang kinuha ang cellphone ko. I’ll try getting back my cellphone pero huli na at nakapagselfie na siya.
“Here. May picture na rin ako sa caller ID mo. Fair na tayo ha.” Then he smile so sweetly to me and giggled. Grabe lang ha, dinaig pa ako. Mayamaya, nagpaalam na siya. Niyaya niya pa akong sumabay but I didn’t accept his offer. Hihintayin ko pa kasi sina Ji Hyun at Min ji.
Nang wala na siya sa paningin ko, I take a look at his picture and stared at it. Hindi ko alam na matagal ko palang tinitigan yun. Bumalik lang ako sa present ng batukan ako ni Ji Hyun.
“Aish!!! Ang sakit nun ha. Bakit ba? Ang violent mo talaga kahit kailan.”
“Ano ba kasing ginagawa mo jan sa cellphone mo at hindi mo ako naririnig. Paos na ako sa kakatawag sa’yo.”
“Huh? Wala nuh? Marami lang akong iniisip.” Tinago ko na sa bulsa ko yung cellphone.
Tinext na niya si Manong Driver na pumunta na dito sa school at hintayin kami sa parking lot. Wala pa kasi si Min ji? Ano na kayang nangyari dun? Hmm….
MIN JI’s POV
After class, nauna na akong pumunta sa dance studio. I try practicing the steps. Mayamaya lang ang dumating siya. Pagkalipas ng kalahating oras…
“Ano ba? 5 times na nating inuulit ‘to, hindi mo pa rin makuha?” Galit na sabi ni Sehun.
“Mianhe.”
“Yan na lang ba ang lagi mong sasabihin? This is enough for today. Pag-aralan mo yan sa bahay niyo and I’ll check your performance tomorrow. Dapat perfect mo na yan bukas or else…” Pagkasabi niya nun ay tinalikuran na niya ako. He started fixing his things na.