thank you to Alodianb for a beautiful cover :))
*********
JI HYUN's POV
5:00 am pa lang, gising na ako. Nakakaexcite kasi kaya lang I'm worrying na hindi kami magkakasamang tatlo sa mg klase. May iba't ibang hilig kasi kami at reason kung bakit gusto naming pumasok dun.
After kong magready for school, bumaba na ako. I'm shocked na yung dalawa is kanina pa binabanatan ang mga foods. Ang daya talaga ng dalawang yun. Hindi man lang ako hinintay eh.
"Oh Ji Hyun, nandyan ka na pala. Kain ka na." puna sakin ni Yegh.
"Ang daya naman. Hindi niyo man lang ako tinawag."
"Pagpasensyahan mo na yang mga pinsan mo. Masyadong excited eh." Natatawang saad ni Tita Mira, mom siya ni Min ji.
"I know tita. Kahit naman ako eh." Then we laugh out loud.
Mayamaya, inihatid na kami ng driver sa school. We don't wear our school uniform pa kasi next week pa daw ibibigay eh. Pagkapasok pa lang namin sa school, WOW!!! (0o0) as in napanganga kaming lahat.
"Grabe, ang laki at ang ganda pala ng school na 'to." Di makapaniwalaang sabi ni Min Ji. Ako nga eh speechless.
"Ang dami students but I feel something unusual and strange here." Komento ni Yegh. Huh? Ano bang sinasabi niya? Wala naman ah.
"Hai naku. Kung ano-ano pinapansin mo jan. Kailangan na natin magmadali, mamaya eh malate pa tayo. Hahanapin pa natin ang mga room natin eh." Sabi ko sa kanila.
"Tama si Ji Hyun. Paano pala natin hahanapin ang mga rooms natin eh ngayon lang tayo nakapasok dito tapos ang laki pa ng building?" nag-aalalang tanong ni Min Ji.
"Hindi naman masamang magtanong di ba? Tara na."
Nagsimula na kaming maglakad. Nagtanong kami dun sa unang taong nakasalubong namin pero tinitigan niya lang kami. Then nagstart na naman ulit ako makabasa ng isip.
"Sino ba sila? Bakit sila pumasok dito, hindi ba nila alam kung anong meron sa school na ito"
"Excuse me, can we ask a question?" tanong ko.
"You're asking na di ba?" ang taray naman nito sa isip-isip ko. Halatang naiinis na si Min Ji.
"Do you know where these rooms are?" Pinakita ko sa kaniya yung schedule namin.
"Makikita niyo lang yan jan sa loob. May mga label naman ang bawat room." Then umalis na siya. Wow lang!
"Nice help!" Sigaw ni Yegh before she smirks.
"Hanapin na lang natin. For sure nandyan lang yan sa tabi-tabi." Sarcastic kong sabi.
Pumasok na kami sa building. Ang laki kaya? Saan kami magsisimula nito? Haist. Bakit kasi hindi man lang kami binigyan ng tour bago kami magstart ng klase? Bahala na nga. Goodluck na lang samin. Sana may abutan pa kami.
YEGH's POV
"Let's split up para mas madali nating mahanap ang rooms natin." Suggestion ni Min Ji. Tama siya.
Naghiwa-hiwalay na kami. We decided na sa cafeteria na lang kami magkita kita mamayang lunch. Nagsimula na akong maghanap. Saan ba kasi ang photography class dito? Ang dami pang floors. Sumakay na ako ng elevator papunta sa 1st floor ng may biglang pumasok na babae. mukhang nagmamadali siya tapos ang dami pa niyang dala. Nang makatabi ko siya, bigla akong kinabahan pero sinet aside ko na lang yun.
"Ahm miss, are you ok? Gusto mong tulungan kita?" Tanong ko sa kanya.
"Ah. Salamat ha." Kinuha ko sa kanya yung ilang envelopes.