Ji hyun’s POV
Sa Snow Buster….
Bakit nga ba nandito ako ngayon? Oo nga… Gusto nga pala nina Yegh at Min Ji na mag-skate kaya sumama ako dito. Simula na ng winter vacation namin at masayang nagii-slide ang dalawa sa snow samantalang ako pinapanood lang sila. Hindi kasi ako maalam mag-skate. Well, hindi ko naman first time pumunta dito eh, nung nasa middle school nga kami, palagi kaming pumupunta dito. Wala lang talaga akong hilig sa skating.
“Couz, ano ba? Samahan mo naman kami dito oh.” Yegh yelled to me. I wave my hand as a sign of no.
“Com’on, let’s enjoy this together. Palagi ka na lang nanonood sa tuwing pupunta tayo dito. Kami lang tuloy ang nage-enjoy.” Min Ji said.
“Alam niyo namang wala akong hilig dyan di’ba? Enjoy niyo lang yan, ok lang ako dito…”
“It’s time for a change… If you try it, you will surely love it. Kaya join ka na sa amin… Please...” Yegh pleaded.
“Kayo na lang, I’m going to get some food for us…” Pagkatalikod ko, nakabangga ako sa isang malaking tao. Buti na lang snow ang binagsakan ko kaya hindi masakit nung bumagsak ako.
“Ji Hyun? Ok ka lang?” Wait, I know that voice... Si Chanyeol ba yun. Tiningnan ko kaagad yung taong nabangga ko at si Chanyeol nga ang nasa harapan ko ngayon.
“Chanyeol??” pagtingin ko sa paligid niya, kasama rin niya ang iba niyang kaibigan, pati rin si Ri An. “Anong ginagawa niyo dito?”
He help me to get up… “Ahh… Para mag-enjoy just like what you’re doing with your cousins.”
“Ganun ba? At dito niyo pa talaga naisipan ha?”
“Ahhmm...” Napansin ko naman ang pagtingin ni Chanyeol sa mga pinsan ko. I turn my gaze to Yegh and Min Ji at hindi sila makatingin sa akin. I look again to Chanyeol.
“What’s happening here? Meron ba akong dapat malaman?”
“H-ha? Wala... Naisipan lang talaga naming na pumunta dito, yun lang yun… Hehe…” At napakamot siya sa batok niya.
Ok, wala na akong paki-alam kung nandito sila. Pero lagi silang timing ha. Kung nasaan kami, nakikita namin sila. Pero this time, sigurado ako na may kinalaman dito sina Yegh at Min Ji kung bakit nandito silang lahat ngayon.
“Ahhh. Ok.” Napansin ko naman ang pag-buntong hininga ng dalawa kong pinsan. Lumapit sila sa akin at inakbayan ako.
“Pwede ba kaming maki-join sa inyo? Kung ayos lang sa inyo.” Suho said.
“Of course… I think gusto din naman yun ng mga cousins ko eh.” I smile to them. “Sige, maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng food.” At umalis na ako. Napansin ko ang pagsunod ng tingin sa akin ni Baekhyun. Naglakad lang ako ng diretso at hindi na tumingin sa kanya.
No One’s POV
Kakaalis lang ni Ji Hyun.
“Hindi niyo ba sinabi sa kanya ang tungkol dito?” Suho asked.
“Gusto sana naming sabihin kaso, baka hindi siya sumama.” Yen said.
“Bakit naman?” Chen asked.
“Ahh kasi... Hindi siya sanay. Kahit tuwing vacation, hindi siya sumasama sa mga classmates niya kapag may bonding ang klase nila. Mas gusto niyang kasama kaming dalawa, contented na siya dun. Ang gusto lang naman namin ni Min Ji ay makisama uli siya sa ibang tao hindi lang sa amin, kaya hindi na namin sinabi.” Yen explained.