JI HYUN’s POV
Nasa music room ako ngayon at hinihintay si Chanyeol para mapractice na namin ang composition namin. Nabuo ko na yung song at lalapatan na lang namin ng melody. Habang naghihintay, narinig ko na parang may tao sa taguan ng mga panlinis ng room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nun at nagulat ako ng biglang naglalaglagan ang map at mga walis, may tao nga. Muntikan na akong sumigaw, buti na lang at natakpan ko agad ang bibig ko. Ng titigan ko siya, si Bacon lang pala. Anong ginagawa niya dito? Siguro nag-skip siya ng class. Hay naku…
Gigisingin ko na sana siya ng napatingin ako sa face niya. Hindi ko alam ang sasabihin pero ang cute pala niya pag natutulog, yung eyes, nose at red lips niya……. Lips? Then naalala ko ang nangyari sa mall. I gulp and nagdecide na ako na batukan siya. Nagising naman siya sa ginawa ko.
“WHAT THE… Ang sakit nun ha.” He said while rubbing his head.
“Eh bakit ba kasi natutulog ka dito, para kang pulubi dyan.”
“So what, I don’t want to go to class, kung pwede nga lang music class lang ang subject ko eh.” Then he glare to me “Ikaw, bakit ka nandito?”
“I’m here to meet Chanyeol for our project” I said.
Silence…………
Bakit hindi siya nagsasalita, naninibago ako sa kanya ha.
“I’m leaving.” Pagtayo niya, naapakan niya ang isang walis kaya madudulas siya. I grab his hand para hindi siya bumagsak but nahila niya ako. Nakahiga siya ngayon sa floor and ako naman, on top of him. We are now in a very akward position. Nung mga oras na yun, nagkatinginan kami. I feel something sa mga tingin niya sa akin. Hindi ko namamalayan na magkalapit pala ang mga mukha namin.
Nang maramdaman ko na lalong lumalapit ang face niya sa akin. Bigla akong tumayo.
“Y-yah, sa sususnod nga mag-ingat ka.” Hindi ako makatingin sa kanya, para kasing sasabog na ang mukha ko sa sobrang red nito.
Lumabas ako ng music room at nakita ko na parating na si Chanyeol dala ang gitara niya. He wave at me and smile, lumapit ako sa kanya at hinila palayo sa lugar na yun.
“Wait, where are we going? Akala ko sa music room tayo magpa-practice?” Nagtatakang tanong niya habang hinihila ko siya. Tumigil muna kami saglit.
“Let’s go somewhere else, may gumagamit na kasi ng music room eh.” I lied.
“Ahhh!” He said. Nang mapansin ko na nakahawak pa din ako sa kamay niya, agad ko yung binitawan. Tumuloy ako sa paglalakad, sumunod naman siya agad sa akin.
BAEKHYUN’s POV
“Y-yah, sa susunod nga mag-ingat ka.” then she leave the room without looking at me.
Ano ‘to, parang tumakbo ako ng 10 miles sa sobrang bilis ng heart beat ko. What is happening to me? Susundan ko sana siya pero nakita ko na hinihila niya papalayo si Chanyeol. Then bumalik na naman ang naramdaman ko ng makita ko silang magkasama sa park at ice cream store. Am I falling for her? No… hindi pwede, pero bakit ako nagkakaganito… Haixt!!! Sundan ko na nga lang sila.
CHANYEOL’s POV
Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Ji hyun papalayo sa music room. I ask her kung bakit and ang sabi niya may gumagamit daw ng music room. Sinundan ko na lang siya kung saan siya pupunta.