Chapter 13: BLACK PEARL'S SECRET

19 1 0
                                    

Ji hyun’s POV

            Pagkauwi namin sa house, pumunta agad ako sa music room para kunin yung naiwan kong cellphone. As I expected, nasa ibabaw ng piano ang cp ko. Pagkakuha ko nun, napansin kong hindi nakasara ng maayos yung isa sa mga cabinet na pinaglagyan ng mga books ni lolo kaya naisipan kong isara. Paghawak ko sa hawakan ng cabinet, nakita kong may kuminang sa loob kaya tiningnan ko kung ano yung bagay na yun. Inside the cabinet, may lumang box. Metal kasi yung mga edge kaya siguro ito kuminang.

“Ano kayang laman nito?” Kinuha ko ang box at kinalog-kalog ko. “Hindi naman siguro magagalit si lolo kapag binuksan ko ‘to. Hehe… :p” Umiral na naman ang pagiging loka-loka ko. I tried to open it but it’s locked. Nacurious ako kung ano ang laman kaya dinala ko ang box sa room ko.

            I examine the box kung pano ko yun mabubuksan, wala naman susian pero hindi naman siya bumubukas. Weird…. May naka-ukit na hexagon sa ibabaw nito, then naalala ko yung kwintas na ibinigay ni lolo. Kinuha ko yun sa drawer ng study table ko at pinag-compare ang size sa nakaukit sa box at mukhang fit ang kwintas.

“Para dito ba yung  kwintas?” I asked to myself.

                      I put the necklace there and guest what.. bumukas yung box automatically! At bigla na lang akong hinigop ng box at dinala kung saan.  Namalayan ko na lang na wala na ako sa kwarto ko at nasa parang dark forest na ako.

                      Nasan na ba ako? Bigla na lang akong kinabahan. Wait… may taong dumarating. Nagtago ako sa malaking puno at nakita ko na may naglalakad na naka-black hood. Magkukulam ba siya? Ano ba ‘tong napuntahan ko? I decided to follow that person. Naglakad lang siya ng naglakad hanggang sa marating niya  ang isang old house, mukhang haunted na yung lugar sa sobrang luma. Pumasok yung naka-black hood doon at sinundan ko siya. Hindi ko naabutang bukas ang pinto, paghawak ko sa door knob, lumampas lang ang kamay ko. What is happening? Hinawakan ko ulit yung door knob pero ganun din uli ang nangyari. Siguro makakapasok ako ng hindi binubuksan ang door, and it’s true. Nakalampas nga ako at nakita ko ulit yung naka-black hood. Nagulat ako ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko pero mas nagulat ako ng nilampasan niya lang ako. Ibig sabihin hindi niya ako nakikita ngayon? Sinundan ko siya hanggang sa makarating siya sa isang kwarto, pumasok siya doon at ako naman, sunod lang ng sunod. Eh sa curious ako eh, at saka hindi ko din alam kung paano ulit ako makakabalik sa kwarto ko. Baka siya ang way para dun.

                      Sa kwartong yun, ang daming chemicals at weird lights sa mga weird na lalagyan din. That person is doing some kind of experiment, may hawak-hawak siyang tatlong itim na perlas at nilagay niya ang mga yun sa ginagawa niya. Mayamaya ay sumabog yun at lumutang ang tatlong black pearls na nakabuilt-in na sa mga metal. Ginawa niyang kwintas ang mga yun. After nun, napunta na naman ako sa isang lugar. Parang old empire na may nililitis na may kasalanan sa gitna. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita yung parang pinakapinuno nila.

“Suwail!! Gumagawa ka ng bagay na makakasira sa ating mga plano at planeta. Sinusuway mo na ba ang pamumuno ko?” Galit na tanong nung parang hari nila.

“Hindi po! Ang intensyon ko lang naman ay mapabuti ang ugnayan natin sa mundo ng mga mortal at para maiwasan ang nalalapit na pagwasak natin sa planeta nila. Ito lang ang tanging nakikita kong paraan para---” Hindi na natuloy ang sinasabi nung lalaki ng tinutukan siya ng patalim nung isang kawal. Nasan ba talaga ako? Iba pa ba ang planet nila kaysa sa planet earth.

SHE's MY BLACK PEARLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon